Imbes na matakot, dapat magkaisa at mariing labanan ang walang habas at maramihang pamamaslang ng militar, pulis at mga death squad ni Duterte sa mga abugado, progresibo, aktibista at mga ordinaryong taong may puso para sa kapwa. Karamihan ng mga biktima ay inaakusahan ng militar at pulis na “mga tagasuporta”, “simpatisador” o may kaugnayan sa NPA at sa pambansang demokratikong kilusan.
Dapat panagutin si Rodrigo Duterte sa walang habas na kampanya ng pamamaslang sa Negros at sa buong bansa. Sa Negros, di bababa sa 10 buhay ang sunud-sunod na kinitil mula noong Hulyo 25. Naganap ang mga ito mula nang kanyang sulsulan ang mga armadong tauhan na “dalhin ang ulo” ng mga lider ng NPA sa isla. Si Duterte ang pinaka nasa likod ng mga pagpatay na ito.
Pinaghaharian ng militar at pulis at ng kanilang mga tauhan ang buong isla ng Negros. Ito ay mula nang inilabas ni Duterte ang kanyang Memorandum Order #32. Mistulang batas militar ang umiiral sa Negros.
Sa mamamayan ng Negros: malinaw na malinaw ang inyong sigaw para sa katarungan. Kaisa ninyo ang lahat ng rebolusyonaryong pwer≠sa at buong sambayanang Pilipino sa hangaring ito. Makaaasa kayo na gagawin ng Partido at ng NPA ang lahat para makamit ang hangad na katarungan at parusahan ang mga berdugong terorista at pasista na nasa likod ng mga pagpatay na ito.
Published by Philippine Revolution Web Central
The official blogsite of the Communist Party of the Philippines Information Bureau
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.