Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (May 7, 2019): PDT ng AFP, binigwasan ng BHB sa Samar
Binigwasan ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Samar ang abusadong mga yunit ng Armed Forces of the Philippines na nagtatago sa likod ng umano’y “community organizing for peace and development” o COPD sa iba’t ibang baryo sa isla. Tugon ito ng BHB sa maraming reklamo ng mga magsasaka laban sa naturang mga yunit-militar. Kabilang sa kanilang mga krimen ang arbitraryong pangrerekisa sa mga bahay ng mga residente, pagbababanta at malisyosong pag-uugnay sa mga sibilyan sa BHB at pagkakampo sa gitna ng mga kabahayan.
Inambus ng BHB-Western Samar ang isang “peace and development team” (PDT) ng 46th IB sa pagitan ng mga barangay ng Beri at Buluan sa Calbiga noong Abril 23, alas 3:40 ng umaga. Anim na sundalo ang agad na napatay habang siyam ang nasugatan. Isang K3 light machine gun, isang ripleng R4 at isang pistola ang nasamsam ng BHB sa ambus.
Sa Northern Samar, dalawang operasyong haras ang inilunsad ng BHB laban sa PDT ng 20th IB na nagkakampo sa loob ng mga komunidad ng Las Navas.
Noong Abril 16, isang sundalo ang napatay at isa ang nasugatan nang paputukan sila ng BHB sa Barangay Quirino, Las Navas. Kasabay nito, pinaputukan din ang mga sundalong nakakampo sa Barangay San Francisco sa naturang bayan. Isa pang sundalo ang nasugatan. Dalawang sundalo naman ang napatay sa isinagawang espesyal na operasyon noong Abril 17 sa Barangay Catoto-ogan kung saan dalawang .45 kalibreng pistola ang nakumpiska ng BHB. Sangkot ang mga PDT na ito sa iligal na mga saktibidad sa baryo gaya ng sugal.
Panay. Isang M16 at isang pistola ang nakumpiska ng BHB-Southern Panay nang atakehin nito ang outpost ng pulis sa hangganan ng Alimodian-Leon-San Miguel sa Iloilo noong Abril 27, alas-4:45 ng hapon.
North Cotabato. Dalawang sundalo ang napatay sa dalawang magkasunod na operasyong haras na isinagawa ng isang yunit ng BHB-Mt. Apo Subregional Command laban sa mga elemento ng 19th IB na nag-ooperasyon sa Barangay Badiangon, Arakan noong Abril 23. Sa taranta ng mga sundalo, walang patumangga silang nagpaputok ng kanilang mga baril at tinamaan ang kanilang kasamang elemento ng CAFGU. Para pagtakpan ang kanilang kapalpakan, pinalabas ng militar na “sibilyan na nadamay” ang naturang CAFGU. Isang oras matapos nito, 14 beses na nanganyon at nambomba mula sa ere ang 19th IB malapit sa mga sakahan at komunidad ng magsasaka. Dahil dito, napilitang magbakwit ang ilandaang residente ng Badiangon at kalapit na mga barangay.
Compostela Valley. Tatlong tropa ng 71st IB ang napatay at marami ang nasugatan sa operasyong demolisyon ng BHB-ComVal-Davao Gulf Subregional Command sa Barangay Cabuyuan, Mabini noong Abril 24, alas-9:45 ng umaga. Ang 71st IB ay notoryus sa pagpatay ng mga bata, brutalidad at paglapastangan sa mga Pulang mandirigma. (Tingnan ang kaugnay na balita sa pahina 6.) Matapos ang operasyon, agad ding nagpaulan ng bomba at nanganyon ang 71st IB sa lugar.
Quezon. Dalawang sundalo ng 80th IB ang napatay sa dalawang magkahiwalay na operasyong haras ng BHB-Quezon noong Abril 18 at Abril 19 sa Barangay Umiray, Gen. Nakar. Ang mga ito ay huli sa serye ng mga opensiba ng BHB sa lugar na nagresulta sa mga kaswalti ng AFP sa bawat pakikipagsagupaan ng mga yunit nito sa mga Pulang mandirigma mula Pebrero. Ipinagkalat naman ng AFP na nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga yunit nito at BHB sa Canaway, Gen. Nakar noong Mayo 1. Walang ganitong engkwentro at hindi rin totoo ang ipinahayag ng AFP na naggapi nila ang isang kampo ng BHB sa lugar.
Mindoro. Inisnayp ng BHB-Mindoro ang nag-ooperasyong tropa ng 203rd IBde na nanghalihaw sa San Jose, Occidental Mindoro noong Abril 29. Gayundin, pinalabas ng AFP na may naggapi silang kampo ng BHB sa lugar. Mariin itong pinabulaanan ng mga Pulang mandirigma.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/05/07/pdt-ng-afp-binigwasan-ng-bhb-sa-samar/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.