Tuesday, May 14, 2019

CPP/Ang Bayan: Ba­ta, pa­tay sa su­ma­bog na gra­na­da ng AFP

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (May 7, 2019): Ba­ta, pa­tay sa su­ma­bog na gra­na­da ng AFP

Isang siyam na ta­ong gu­lang na ba­ta ang namatay ma­ta­pos su­ma­bog ang gra­na­dang ini­ha­gis ng isang la­sing na sun­da­lo ng 20th IB sa Ba­ra­ngay San Mi­gu­el, Las Navas noong Abril 17. Bu­mi­bi­li noon ang bik­ti­ma na si Arman­do Jay Ray­mun­de sa tin­da­han sa ta­pat ng ba­hay na ginawang kampuhan ng mga sun­da­lo.

Ma­ta­pos ang in­si­den­te, agad na nag­pa­la­bas ng pe­keng ba­li­ta ang 20th IB at ibi­nin­tang ang ka­ni­lang kri­men sa Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB). Ito ay sa ka­bi­la ng pag­pa­pa­si­nu­nga­ling ng mga nakasaksing kapit­ba­hay.

Liban kay Raymunde, lima pang sibilyan ang napatay ng mga sundalo. Noong Abril 25, alas-4 ng ha­pon, pi­nag­ba­ba­ril hang­gang ma­pa­tay ng mga sun­da­lo si Apo­li­na­rio “Kap Pining” Le­bico, ka­pi­tan ng na­tu­rang ba­ra­ngay. Sa­kay ng ha­bal-ha­bal si Le­bico nang pag­ba­ba­ri­lin ng mga la­la­king na­ka­mo­tor­sik­lo ma­la­pit la­mang sa pu­nong him­pi­lan ng 20th IB sa Ba­ra­ngay San Jor­ge ng na­sa­bing ba­yan. Ma­lub­hang su­ga­tan ang kan­yang ma­nu­gang na si Du­dong Ca­poquian, ang dray­ber ng ha­bal-ha­bal. Nakita pa ni Ca­po­quian na du­mi­ret­so ang mga sa­la­rin sa loob ng kam­po militar.

Pau­wi noon si Le­bico mu­la sa sentro ng Las Navas kung saan siya nangalap ng suporta para ma­big­yan ng hus­ti­sya ang pag­ka­ma­tay ng kanyang kamag-anak na batang Ray­mun­de. Ma­ta­gal na naging ak­ti­bo si Le­bico sa pag­la­ban sa mi­li­ta­ri­sa­syon sa ka­ni­lang bar­yo at mga ka­ra­tig-lu­gar. Ilang ulit na si­yang ina­ku­sa­han ng mi­li­tar na ta­ga­su­por­ta ng BHB.

Nag­ka­kam­po ang mga pang­kat sa “peace and deve­lop­ment” ng 20th IB sa si­bil­yang mga istruk­tu­ra sa loob ng mga ba­ra­ngay sa Las Navas. Pi­na­mu­mu­nu­an si­la ni 1st Lt. Da­ni­el Salva­dor Su­ma­wang.

Ni­tong Ma­yo 6, pi­nag­ba­ba­ril hang­gang ma­pa­tay ng mga sun­da­lo ng 20th IB si Melvin Obia­do Ca­be, re­si­den­te ng Sit­yo Ino­man sa Ba­ra­ngay Ta­ga­bi­ran, kung saan may na­ka­ta­yong de­tatsment ng militar. Ma­lub­hang su­ga­tan din ang anak ni Ca­be.

Noong Abril 24, alas-9 ng ga­bi, pi­na­tay na­man si Wil­mar Ca­lu­tan, pu­nong ba­ra­ngay ng Be­ri, Cal­bi­ga. Ha­bang ipi­nag­di­ri­wang ang pista ng ba­ra­ngay, du­ma­ting ang mga lala­king nakamotorsiklo at pu­mun­ta sa ba­hay ni Ca­lu­tan. Ina­bu­tan si­ya sa loob ng ban­yo at doon pi­nag­ba­ba­ril. Na­ki­la­la ng mga re­si­den­te na mga sun­da­lo ng 46th IB ang mga sa­la­rin.

Ayon sa taum­bar­yo, ma­ta­pos ang am­bus ng BHB noong Abril 23, ipi­na­ta­wag ng mga sun­da­lo si Ca­lu­tan. Pinalayas din ng mga sun­da­lo ang mga re­si­den­te at mga bi­si­ta mu­la sa ibang bar­yo da­hil may tao umano si­lang “ka­ka­ta­yin.” Da­hil sa ta­kot, na­pi­li­tan ang ma­hi­git 370 re­si­den­te na mag­bak­wit.

Sa Neg­ros Occi­den­tal noong Abril 22, alas-4:30 ng ha­pon, pi­na­tay ng mga tau­han ng es­ta­do si Ber­nar­di­no “Ta­tay To­to” Pa­ti­gas, 72, ta­ga­pag­tang­gol ng ka­ra­pa­tang-tao at ka­sa­lu­ku­yang kon­se­hal ng Esca­lan­te City.

Sa­kay ng kan­yang mo­tor­sik­lo ang bik­ti­ma pa­pun­ta sa sentro ng syu­dad nang pa­ra­hin si­ya ng da­la­wang la­la­ki at pag­ba­ba­ri­lin.

Isa si Pa­ti­gas sa mga na­ka­lig­tas sa Esca­lan­te Mas­sacre noong pa­na­hon ng dik­ta­dur­ang Marcos. Ka­bi­lang rin si­ya sa nag­ta­yo at na­ging pa­ngu­long ta­ga­pag­ta­tag ng North Neg­ros Alli­ance of Hu­man Rights Advoca­tes. Ma­hi­git tat­long de­ka­da si­yang na­ging ak­ti­bo sa pag­ta­ta­gu­yod ng ka­ra­pa­tang-tao.

Noong Abril 30, ala-1:40 ng ha­pon, pi­na­tay sa pa­ma­ma­ril si Den­nis Espa­no, 28, re­si­den­te ng Ba­ra­ngay Ti­nam­po, Bu­lu­san, Sor­so­gon. Namamasada ang bik­ti­ma sa ka­ha­ba­an ng Ba­ra­ngay Poctol sa na­sa­bing ba­yan nang ha­ra­ngin si­la ng apat na la­la­king sa­kay ng da­la­wang mo­tor­sik­lo. Ma­la­pi­tang pi­nag­ba­ba­ril ng mga ahen­te ng es­ta­do si Espa­no na agad ni­yang iki­na­ma­tay. Ma­lub­hang na­su­ga­tan na­man ang da­la­wa ni­yang pa­sa­he­rong si­na Li­li­an Mon­teo at Zo­ren Fu­rio. Si Espa­no ay ak­ti­bong myembro ng Anak­pa­wis.

Pang­gi­gi­pit. Tat­long is­tap ng Ka­ra­pa­tan-Sor­so­gon ang si­nun­dan ng mga ahen­te sa pa­nik­tik ha­bang pau­wi mu­la sa kanilang upi­si­na noong Abril 21, ban­dang alas-10 ng ga­bi.

Iniu­lat ni­na Ryan Hu­bil­la, Elzie Aring­go at Rachel­le Duave na binuntutan sila ng isang mo­tor­sik­lo at sa­sak­yang pick-up habang pauwi mula sa kanilang upisina.

Sa Ba­ra­ngay San Isid­ro, San Jo­se Del Mon­te, Bu­lacan, pi­na­sok ng mga la­la­king na­ka­bo­net ang ba­hay ni Ma­rio Aki noong Abril 23 ng ga­bi. Ilang araw ba­go ni­to, ki­numpron­ta ng mga sun­da­lo ng 48th IB si Aki da­hil myembro siya ng sa­ma­hang mag­sa­sa­kang Pi­nag­buk­lod. Ilang ling­go nang hi­na­ha­li­haw ng mga sun­da­lo ng 48th IB ang mga ba­ra­ngay ng San Jo­se Del Mon­te.

NAMATAY SA ALTAPRESYON noong Abril 19 ang bi­lang­gong pu­li­ti­kal na si Franco Ro­me­ro­so ha­bang na­sa isang os­pi­tal sa Ba­ta­ngas City. Nag­­pa­pa­ga­mot si­ya sa sa­kit na tu­bercu­lo­sis at dia­be­tes.

Isa si Ro­me­ro­so sa tinaguriang Mo­rong 43—mga mang­ga­ga­wang pang­ka­lu­su­gan na ili­gal na ina­res­to noong 2010 at iki­nu­long nang 10 bu­wan. Mu­ling ina­res­to si Ro­me­ro­so noong Mar­so 2015 sa ga­wa-ga­wang mga ka­so. Si­ya ang ikaa­pat na bi­lang­gong pu­li­ti­kal na na­ma­tay sa ila­lim ng re­hi­meng Du­ter­te.

May 548 bi­lang­gong pu­li­ti­kal nga­yon sa ban­sa, kung saan di ba­ba­ba sa 225 ang ina­res­to sa ilalim ng ka­sa­lu­ku­yang re­hi­men.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/2019/05/07/bata-patay-sa-sumabog-na-granada-ng-afp/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.