Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (May 7, 2019): Mga berdugo ng Compostela Valley
Pinatay ng mga sundalo ng 71st IB noong Abril 15 si Cindy Tirado, 28, isa umanong lider ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Nangyari ang insidente sa Barangay Canocotan, Tagum City, Davao del Norte. Ayon sa ina ng biktima, buhay si Tirado nang dakpin ng mga sundalo. Matapos ang matinding tortyur, binaril si Tirado sa ari at sa iba pang bahagi ng katawan. Naglagay ang mga sundalo ng riple sa bangkay ng biktima bilang umano’y ebidensya.
Ang karumal-dumal na pagpatay kay Tirado ay dagdag sa mahabang listahan ng mga krimen ng 71st IB na pinamumunuan ni Lt. Col. Esteyven Ducusin. Tumindi ang mga kabuktutan nito laluna nang ipataw ni Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao. Sa nagdaang halos isang dekada, naging notoryus ang batalyong ito sa mga kaso ng pagpatay, pagdukot at iligal na pag-aresto sa mga sibilyan sa Compostela Valley at mga karatig-lugar. Siyam na kaso ng pagpatay, anim na kaso ng pagdukot at iligal na pag-aresto ang direktang kinasangkutan ng yunit na ito. Gawain din ng nasabing yunit ang panliligalig sa buhay ng mga residente laluna sa mga bayan kung saan matindi ang pananalasa ng malalaking mina.
Kabilang sa tampok na mga kaso sa Compostela Valley ang pagpatay kay Sunshine Jabinez, 7, noong Setyembre 2011 sa Pantukan. Isa pang kaso ang pamamaril sa tatlong bata noong Abril 2013 sa Mabini. Namatay si Roque Antivo, 8, samantalang malubhang nasugatan ang kanyang kapatid na si Earl at tiyuhing si Jefrey Hernan, kapwa 13 taong gulang. Binansagan bilang “batalyong mamamatay-bata” ang 71st IB.
Kabilang din sa mga karumal-dumal na krimen ng 71st IB ang pag-aresto at pagtortyur kina Janry Mensis at “Jerry,” mga maliitang minero, noong Nobyembre 2017 sa Mawab. Matapos pahirapan sa loob ng siyam na araw, dinala sila sa liblib na lugar at sinilaban. Noong Marso, naibalita rin ang pamamaril sa tatlong kabataang nangangaso sa Mabini, Compostela Valley.
Mula nang italaga sa Compostela Valley noong 2010, nagsilbing pwersang panseguridad ang 71st IB ng malalaking kumpanya sa mina na sumisira sa kalikasan at kabuhayan ng mga residente. Sinupil nito ang paglaban ng mga magsasaka at maliitang minero. Lima sa kanilang mga biktima ay mga myembro ng organisasyong magsasaka at tatlo ay maliitang mga minero.
Nang lumaon, naging mga tauhan na rin ang 71st IB ng malalaking plantasyon, kabilang ang Musahamat Farms. Nitong Marso 8, sapilitang pinapirma ng 71st IB ang 153 myembro ng Musahamat Farm Workers Union upang palabasin na nagbitiw sila. Kabilang sa pinapirma ang mga lider ng unyon, na dinukot at tinortyur ng mga sundalo ng 71st IB isang linggo bago nito. Mga elemento rin ng batalyon ang namaril sa kampuhang itinayo ng mga manggagawa noong Abril 2016.
Nagmula ang 71st IB sa Central Luzon, sa ilalim ng 7th ID. Sa panahon ng Oplan Bantay Laya 2, nakapailalim ang nasabing yunit sa kumand ng berdugong si Jovito Palparan.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/05/07/mga-berdugo-ng-compostela-valley/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.