Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (May 7, 2019): Magkaisa upang ipagtanggol ang Pantaron!
“Magkaisa para depensahan ang Pantaron Range!” ang panawagan ng mamamayang Lumad at mga tagapagtaguyod ng kalikasan sa araw ng paggunita sa Earth Day noong Abril 22. Mariin nilang kinundena ang napipintong pandarambong sa yaman ng Pantaron Range sa Mindanao at pagwasak ng malalaking dayuhang korporasyon sa pagmimina at pagtotroso sa kalikasan.
Ang Pantaron Range ay may lawak na 12,600 kwadrado kilometro. Sakop nito ang 1.8 milyong ektaryang kagubatan na tumatawid sa mga prubinsya ng Davao del Norte, Davao del Sur, Bukidnon, Misamis Oriental, Agusan del Norte at Agusan del Sur. Mayaman ito sa mga mineral at rekurso. Mayor din itong pinagmumulan ng tubig ng mga ilog ng Davao, Talomo at Liboganon.
Sa pahayag ng PASAKA Confederation of Lumad Organizations, tatlong kumpanya sa pagmimina ang pinahintulutan ng rehimen na mag-opereyt sa lugar—ang Penson Mining Corporation, Lianju Mining Corporation at Philippine Meng Di Mining and Development Corporation. Nakatakda nilang dambungin ang mineral sa may 17,000 ektarya ng kagubatan ng Pantaron.
Dagdag pa nila, upang bigyang daan ang mga kumpanya ng mina, pilit na pinalalayas ang mga Lumad sa kanilang mga lupang ninuno gamit ang militarisasyon. Sinisiraan at tinatawag na terorista ang mga paaralang Lumad para bigyang katwiran ang isinasagawa nilang mga pamamaslang at pang-aabuso.
Isa sa naiulat kamakailan ang pagkasawi ni Datu Kaylo Bontolan dulot ng pambobomba sa kabundukan ng Kitaotao, Bukidnon.
Bata-batalyong mga tropa ng militar ang dumumog sa mga bayang sakop ng Pantaron. Mula huling bahagi ng 2018 hanggang sa kasalukuyan, hindi bababa sa 1,400 sundalo ang idineploy sa Cabanglasan at San Fernando, Bukidnon. Sinalakay at ipinailalim ng mga elemento ng 60th IB ang 12 komunidad sa hangganan ng Bukidnon, Agusan del Sur at Davao del Norte. Isa mga komunidad na ito, ang Sityo Tapayanon, ay lubos nang ipinailalim ng AFP sa kanilang kontrol.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/05/07/magkaisa-upang-ipagtanggol-ang-pantaron/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.