Bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa darating na Marso 29, nanawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) noong Pebrero 26 sa lahat ng mga rebolusyonaryong pwersa na ideklara ang Marso 2019 bilang “Buwan ng BHB.” Pagdiriwang ito sa lahat ng mga tagumpay at pagsulong ng digmang bayan sa lahat ng larangan.
Hinamon ng PKP ang mga rebolusyonaryong pwersa na itanghal ang tunay na hukbo ng sambayanan sa temang “Isulong ang digmang bayan hanggang tagumpay!” Tugon ito sa walang-habas na pasistang mga atake ng rehimeng Duterte at papalubhang kalagayan ng mamamayan.
Kasabay ng pagdiriwang, inaasahan ang mga taktikal na opensiba ng mga yunit ng hukbong bayan sa buong bansa upang ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan, kaakibat ang pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pagtatayo ng mga organisasyong masa hanggang sa mga organo ng kapangyarihang pampulitika. Kaakibat din ang pagpaparusa sa pinakapusakal na mga ahente ng rehimeng Duterte.
Sa harap ng mga tangka ng rehimen na pigilan ang paglaganap ng mensahe ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka, kinakailangang paigtingin ang kampanyang pang-impormasyon, pang-edukasyon at pampropaganda upang ipalaganap ang kawastuan ng paglulunsad ng armadong pakikibaka.
Hinimok ng PKP ang lahat na lumikha ng mga pahayag, mga poster at brochure sa rekrutment, magsulat ng mga tula, kanta at kwento, gumawa ng mga painting at iba pang likhang sining, at maglunsad ng mga demonstrasyon. Maksimisahin ang internet at social media para ipalaganap ang rebolusyonaryong tungkulin ng BHB. Pasinungalingan ang “teroristang” pagbabansag ng rehimeng US-Duterte at ipakita kung sino ang tunay na terorista.
Pagkakataon ang buong buwan ng Marso para hikayatin ang pinakamaraming masang aktibista kapwa sa kalunsuran at kanayunan na sumapi sa BHB, ulit-ulitin at ipalaganap ang panawagan: “Paglingkuran ang sambayanan! Paglingkuran ang rebolusyon!” Gayundin, gamitin ang pagdiriwang para pataasin ang kapasidad ng mga Pulang kumander at mandirigma sa larangan ng ideolohiya, pulitika at organisasyon.
“Bigyang-diin natin ang pagpupunyagi at optimismo ng mamamayang Pilipino sa pagsusulong ng digmang bayan tungo sa mas matataas na antas at papalapit sa pagkamit ng ganap na tagumpay,” pagtatapos ng PKP.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the
https://www.philippinerevolution.info/2019/03/07/mar%c2%adso-2019-idi%c2%adnek%c2%adla%c2%adra-bi%c2%adlang-bu%c2%adwan-ng-bhb/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.