DALAWANG MAGKASUNOD NA aksyong militar ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Bulacan at Mindoro Oriental noong Pebrero 25 at 26. Nakasamsam dito ang mga Pulang mandirigma ng 16 armas at pagkaparalisa ng isang kumpanyang mapangwasak sa kalikasan.
Bulacan. Matagumpay na nireyd ng BHB-Bulacan ang upisina at detatsment ng Seraph Security Agency (SSA) sa Barangay San Isidro, San Jose Del Monte City, Bulacan noong Pebrero 25, alas-7:14 hanggang alas-9 gabi. Nakumpiska ng BHB ang 12 mataas na kalibreng baril, dalawang pistola, mga bala at pitong Icom radio.
Mayroong mahigit 40 armadong gwardya at maton ang SSA na nagsisilbing pwersang panseguridad ng Ayala Lands at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Inaagaw ng mga ito ang mahigit 700 ektaryang lupain ng mga magsasaka at katutubong Dumagat at Remontados. Ayon kay Ka Jose Del Pilar ng BHB-Bulacan, sa pamamagitan ng SSA, kundi tinatakot ay pwersahang binibili ng Ayala Lands at BSP sa napakamurang halaga ang mga sakahan at lupaing ninuno ng mga residente. Resulta nito, mahigit 200 pamilya na ang napalayas sa naturang barangay.
Oriental Mindoro. Pinaralisa ng BHB-Mindoro ang operasyon ng Sta. Clara Power Corporation (SCPC), isang mapanirang kumpanya sa mina at enerhiya, noong Pebrero 26, bandang alas-3 ng hapon sa Barangay Malvar, Naujan, Oriental Mindoro. Pinaralisa ng BHB ang batching plant ng kumpanya at 44 piraso ng mahahalagang heavy equipment kabilang ang isang backhoe, limang trak na bigfoot, dalawang payloader, isang crusher at isang cement mixer. Nakumpiska rin ng mga operatiba ang isang pistolang 9mm, isang shotgun at walong Icom radio.
Sinabi ni Ka Madaay Gasic, tagapagsalita ng BHB-Mindoro, na ang naturang aksyon ay tugon sa panawagan ng mamamayan ng Mindoro para sa katarungan bunsod ng matinding pinsalang dala ng proyektong hydro ng SCPC sa Naujan at Baco sa naturang prubinsya. Noong bagyong “Nona” ng 2015, mahigit 3/4 ng populasyon ng prubinsya ang naapektuhan dulot ng tuluy-tuloy na pagtotroso pagpapasabog ng SCPC sa mga kabundukan. Nagresulta ito sa mga pagguho at pagbaha ng putik. Mahigit 10 residente ang namatay at lampas P2.5 bilyong-halaga ng produkto at kagamitan sa agrikultura ang nasira.
Habang isinasagawa ang aksyon, tinipon ng mga Pulang mandirigma ang mga manggagawa ng SCPC at pinaliwanagan tungkol sa dahilan ng pamamarusa.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the
https://www.philippinerevolution.info/2019/03/07/16-ar%c2%admas-na%c2%adkum%c2%adpis%c2%adka-sa-cl-at-st/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.