Thursday, November 22, 2018

Kumander ng MNLF at isa pa dedo, misis sugatan sa ambush

From the Mindanao Examiner (Nov 21): Kumander ng MNLF at isa pa dedo, misis sugatan sa ambush

MAGUINDANAO – Patay ang isang commander ng Moro National Liberation Front o MNLF at isa pang kasamahan nito habang sugatan naman ang misis nito nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa Barangay Tambunan Dos, Guindulungan, Maguindanao.

Sinabi ni Guindulungan PNP Chief, Police Chief Inspector Zulkarnain Kunakon na dead on the spot sina
MNLF Commander Omal Bandali alyas kumander Baracuda, 57 years old, at kasama nitong si Bogel Sabandal.


Ang dalawa ay pawang nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan at ulo mula sa M-16 rifle ng ratratin ang mga ito pasado ala una ng hapon, Martes.

Samantala, patuloy namang ginagamot sa ospital ang misis ni Bandali na si Saniya Bandali, 43 habang maswerte namang hindi tinamaan ang driver nitong si Habir Tuga at ang kanyang tatlong taong gulang na anak na babae.

Base sa inisyal na ulat ng Guindulungan PNP, sakay ng kanilang Isuzu pick up ang mga biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay sa Barangay Kalumamis nang tambangan sila ng mga armadong lalaki pagsapit sa Barangay Tambunan.

Sinabi ni Kunakon na nasa likod ng pickup nakasakay ang mga biktima kaya sila ang napuruhan.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa krimen.

https://mindanaoexaminer.com/kumander-ng-mnlf-at-isa-pa-dedo-misis-sugatan-sa-ambush/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.