NPA-Quezon propaganda statement posted to the National Democratic Front (NDF) Website (Jul 15): Pagbayarin nang mahal ang pasistang AFP at mga asset nila!
PAHAYAG | July 13, 2018
Apolonio Mendoza Command
New People’s Army-Quezon
PAIGTINGIN AT IPAGTAGUMPAY ANG DEMOKRATIKONG REBOLUSYONG BAYAN!
Iginagawad ng Apolonio Mendoza Command (New People’s Army-Quezon) ang parusang kamatayan kay Roberto Orogo, isang asset ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Si Orogo ay kaaway ng mamamayan ng Quezon at isa sa pinakaaktibong tauhan ng reaksyunaryong AFP sa pagkuha ng impormasyon laban sa NPA at rebolusyonaryong kilusan na ginagamit ng kaaway sa kanyang mga operasyong pangkombat.
Noong 2008, nagkaroon ng depensibang labanan ang NPA sa Agdangan, Quezon dahil sa paggiya ni Orogo sa AFP at pagtuturo sa kinaroroonan ng mga kasama. Matapos ito, itinuro nya rin kung saan nakatago ang baril ng mga kasama, kapalit ng halagang P150,000. Noong taon ding iyon, itinuro nya ang kinaroroonan ng tatlong kasama na naging sanhi ng kanilang pagkadakip sa Atimonan.
Kinakailangang papanagutin si Orogo at ang AFP sa mga krimen at kasalanan nito sa rebolusyonaryong kilusan at sa mamamayan. Marapat na singilin ng Bagong Hukbong Bayan ang utang na dugo nila sa mamamayan.
Upang mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan at matiyak ang pagsulong ng demokratikong rebolusyong bayan, kailangang supilin ng Bagong Hukbong Bayan at ng rebolusyonaryong mamamayan ang kontra-rebolusyong inilulunsad ng kaaway.
Ang kontradiksyon sa pagitan ng mga mamamayan at kaaway ay sadyang marahas dahil ito ay tunggalian sa pagitan ng uring inaapi at pinagsasamantalahan sa isang panig, at ng mga uring nagsasamantala at nang-aapi sa kabilang panig. Tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan at rebolusyonaryong mamamayan na patunayan ang mga krimen ng kaaway, pakilusin ang mamamayan at magpataw ng kaparusahan sa kanila.
Pinatawan ng pinakamabigat na parusang kamatayan si Orogo dahil sa napakabigat niyang pagkakasalang pakikipagsabwatan sa kaaway laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan. Lalong nagpabigat sa kanyang kasalanan ang paulit-ulit na pakikipagtulungan sa kaaway upang pinsalain hindi lamang ang NPA kundi pati na rin ang masa.
Nananawagan kami sa nakikibakang mamamayan sa lalawigan ng Quezon na ibayo pang labanan ang pasismo ng AFP habang patuloy nating pinaiigting ang ating rebolusyonaryong paglaban. Kailangan natin ito upang maitaas ang antas ng ating paglaban at patuloy na maitanim ang tunay na pagbabago ng lipunan na wawasak sa sistemang pyudal at malapyudal at estadong naglilingkod sa imperyalismo at lokal na naghaharing uri.
https://www.ndfp.org/pagbayarin-nang-mahal-ang-pasistang-afp-at-mga-asset-nila/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.