NPA-Quezon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 12): Papatinding mga atake ng NPA, sagot sa gera ni Duterte
Ka Cleo del Mundo, Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
12 May 2018
Sa nakaraang tatong buwan naglunsad ng mga aksyong militar ang NPA sa Quezon laban sa todo-largang gera ng Rehimeng US Duterte na nagresulta sa dalawampu’t tatlong (23) kaswalti sa tropa ng sundalo at pagkakakumpiska sa sampung (10) armas ng isang panginoong maylupa. Tampok dito ang aktibong depensa ng isang yunit ng Apolonio Mendoza Command (AMC) sa Barangay Jongo ng bayan ng Lopez noong Enero 15; hindi bababa sa limang (5) sundalo ng 85th IBPA ang kumpirmadong patay sa nasabing labanan. Kinabukasan, binigwasan naman ng isa pang yunit ng AMC ang CAFGU detatsment sa Sitio Eybol, Barangay San Francisco A sa bayan pa rin ng Lopez. Samantala, pinasabugan ng isa pang yunit ng AMC ang Bravo Headquarters ng 85th IBPA sa Barangay Bagupaye, Mulanay noong Enero 19. Dalawang sundalo ang patay habang anim ang sugatan sa nasabing atake ng mga pulang mandirigma.
Makalipas ang isang linggo, dalawang operasyon ang isinagawa ng mga NPA noong Enero 26 sa bayan ng Lopez. Nauna rito ang operasyong isnayp sa Regional Public Safety Maneuver Battalion sa Barangay Bocboc at sinundan ng operasyong haras sa kampo ng CAFGU sa sityo Mataas na Bundok ng Barangay del Rosario. Pinakamatunog ang naganap na tatlong magkakasunod na aksyong militar sa buwan ng Pebrero matapos reydin noong hapon ng Pebrero 26 ang Tumbaga Ranch sa bayan ng San Francisco na pag-aari ng amerikanong si James Murray. Nasamsam ang sampung (10) armas kabilang ang anim na M-16 at iba’tiba pang kagamitang militar. Umaga ng Pebrero 27, inambus ng isa pang yunit ng NPA ang magrereimpors na tropa ng sundalo sa haywey ng General Luna. Apat ang napaulat na patay na sundalo 3 3 bukod pa sa mga sugatan. Noong Pebrero 28, muling inatake ng mga NPA ang CAFGU detatsment sa barangay del Rosario na nagdulot ng kaswalti sa mga sundalo matapos isnaypin ng pulang mandirigma.
Sa okasyon ng ika-49 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan, tatlong pag-atake ang isinagawa ng mga pulang mandirigma. Noong Marso 27 ng madaling araw, inilunsad ng AMCNPA ang dalawang koordinadong bira sa mga kampo ng CAFGU sa barangay Navitas, Catanauan at barangay Malaya, General Luna na nagresulta ng tatlong kaswalti sa hanay ng mga kaaway. Samantala, inisnayp ng isa pang yunit ng NPA ang CAFGU detatsment sa barangay Anonang, Mulanay noong Marso 29. Samantala, nagbuwis ng buhay si Ka Marco at Ka Voltaire sa isang labanan noong gabi ng Marso 31 sa Bgy. San Andres, bayan ng Lopez. Ang mga aksyong militar na inilunsad ng NPA ay tugon sa tuluytuloy na operasyong militar ng 85th IBPA sa lalawigan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.