NPA-Quezon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 12): Pamamahagi ni Duterte ng CLOA, Pananabotahe sa Peace Talks
Ka Cleo del Mundo, Spokesperson
NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)
12 May 2018
Noong ika-2 ng Mayo, dumayo si Duterte sa bayan ng Mulanay para sa isang palabas. Kinumpleto ni Duterte ang kanyang gimik sa pamamagitan ng pakulo na isang malaking kahon na naglalaman ng mga “titulo ng lupa” na ipapamahagi sa mga magsasaka ng San Andres, San Narciso, San Francisco at Mulanay.
Ginawa na dati ni Aquino noong 2010 ang pamamahagi ng CLOA para mangampanya, pero halos isang dekada ang dumaan ay walang nagbago sa kabuhayan at buhay ng mga magsasaka sa mahigit 800-ektaryang lupaing sinaklaw ng huwad na reporma sa lupa sa mga bayan ng Mulanay at San Narciso.
Lahat ng binitiwang pangako ni Duterte mula nang mangampanya siya noong 2016 hanggang nitong muling mabuksan ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno ng Republika ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines ay tahasan na niya ngayong tinatalikuran.
Mahalagang kasunduan sa naunsyaming peace talks ang libreng pamamahagi ng lupa na laman ng comprehensive agreement on socioeconomic reforms. Ano ngayon at namamahagi ng certi cate of land ownership award si Duterte? Gayong buking-na-buking na sa buong bansa na palpak ang pekeng reporma sa lupa ng Department of Agrarian Reform. Hindi ba’t isa na nga ito sa kinilalang dahilan ng gera sibil sa bansa – ang kawalan ng lupang masasaka ng magbubukid dahil sa kawalan ng tunay na reporma sa lupa.
Ganoondin, ang pangakong pamamahagi ng bilyong pondo ng coco levy ay wala na rin sa hinagap ni Duterte na ipatupad. May pagsasabi pa siyang emosyunal na usapin ang coco levy funds dahil mismong ang nanay niya ay benepisyaryo nito. Magbabangon sa hukay ang ina ni Duterte para sampalin sya dahil sa kabulaanan niya. Parang hinulaan ng rebolusyunaryong kilusan ang walang kakwenta-kwentang talumpati ni Duterte sa pagbisita niya sa Bondoc Peninsula. Maagang nagpahayag ang Apolonio Mendoza Command bago pa man ang pangyayari na gagamiting okasyon ni Duterte ang pagpunta sa lalawigan para alimurain ang kanyang mga kalaban at grupong tumutuligsa sa kanyang pasistang pamamahala sa bansa.
Namumutiktik sa pagmumura, kabargasan at kabastusan sa mamamayan, lalo na sa kababaihan ang umabot sa 13-pahinang talumpati ni Duterte (tingnan sa website ng Presidential Communications Office Presidential News Desk). Kagaya ng inaasahan, binigyang-katwiran na naman niya ang madugong gera kontradroga, ang kanyang pagiging babaero, tagapaglako ng galit (hate-monger) at mga kontramamamayang programa at patakaran.
Maaga niyang ipinarada ang mga minamanok niyang kandidato sa paparating ng midterm election sa 2018. Talagang pangangampanya ang pakay ni Duterte at hindi reporma sa lupa. Hindi rin niya pinaligtas ang Australianang madre na pinadedeport niya, gayong kung nalalaman lamang ni Duterte ang tulong na inihatid ng kongregasyon ni Sr. Patricia Fox sa mga bayan ng North Quezon dahil sa livelihood program na mahigit isang dekada nang tinatamasa ng mga kababaihan doon. Nagpasaring pa si Duterte na siya ay magiging “masaya na ipagpatuloy ang usapang (kapayapaan)‚” pero may mga bagay siyang hindi niya maiuurong. Inasukalang bala ang alok ni Duterte na muling buksan ang peace talks kung hindi naman niya iaatras ang mga kondisyon niyang makaisang panig. Hindi maaari ang gusto ni Duterte na limitahan ang NPA sa “tigil-putukan sa at pagkakampo sa loob ng 60-araw” para matuloy ang peace talks. Namumutiktik sa pagmumura, kabargasan at kabastusan sa Lahat ng binitiwang pangako ni Duterte mula nang mangampanya siya noong 2016 hanggang nitong muling mabuksan ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno ng Republika ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines ay tahasan na niya ngayong tinatalikuran. Kung tutuusin, pumasok na ang CPP-NPA-NDFP sa anim na buwang cease re mula August 2016 hanggang January 2017 pero hindi naman ito naging garantiya para umabot sa pagpirma sa mahalagang kasunduan sa socio-economic reforms na siyang lulutas sa gera sibil sa bansa.
Hangga’t pabalat-bunga ang pangakong pagbabago ni Duterte kagaya ng pamimigay ng CLOA gayong libreng pamamahagi ng lupang sakahan ang kahilingan ng mga magsasaka, hindi aabante ang peace talks. Nananawagan kami sa mamamayan ng Quezon at buong bansa na hindi pa lubos na naliliwanagan sa tunay na katangian ng rehimeng US-Duterte na ito na ang tamang panahon para maging kritikal sa pasismo at namumuong diktadurya ni Duterte. Kailangang magkaisa ng sambayanan sa paglalantad, pagtatakwil at paglaban sa sa rehimeng US-Duterte. Gamitin ang lahat ng armado at diarmadong paglaban para ibagsak ang sangganong rehimen ni Duterte.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.