Sunday, April 22, 2018

CPP/NPA-Camarines Sur: Malawakang operasyon ng tropa ng AFP sa Partido District naghahasik ng takot at pangamba sa mamayan! Panawagan ng 9th ID na sumuko ang mga kasapi ng CPP/NPA/NDF isang kahangalan!

NPA-Camarines Sur propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 17): Malawakang operasyon ng tropa ng AFP sa Partido District naghahasik ng takot at pangamba sa mamayan! Panawagan ng 9th ID na sumuko ang mga kasapi ng CPP/NPA/NDF isang kahangalan!

Baldomero Arcanghel, Spokesperson
NPA-Camarines Sur (Tomas Pilapil Command)

17 April 2018

Sa pagbukas ng unang kwarto ng taong kasalukuyan walang tigil ang operasyong militar sa mga magkakanugnog na baryo sa mga bayan ng Goa, Lagonoy , Tinambac, Siruma, Garchitorena, Presentacion, Caramoan ng Partido District na umabot pa sa bayan ng Calabanga ng ikatlong distrito ng probinsya .

Matapos ideklarang terorista ang mga kasapi ng CPP/NPA/NDF sa pamamagitan ng Proklamasyong 360 ng Rehimeng US-Duterte, nagpakitang gilas ang tropa ng Philippine Army at Philippine National Police. Walang pinipiling oras sa pagpasok sa mga barangay ang ilang tropa ng 83rdIB PA, 22ndIB Echo Coy at Charlie Coy, 93rdDRC at PNP. Nagdulot ito ng takot at pangamba sa mga mamamayan sa lugar na tahimik na naninirahan, nagbubungkal ng lupa at nagsisikap na mabuhay ng marangal sa gitna ng kahirapan.

Nagpalaganap ng “ psywar ” habang nasa combat operation ang mga tropa ng AFP at PNP. Ipinalaganap na ang lahat ng sumusuporta at susuporta sa rebolusyonaryong kilusan ay kanilang papatayin o isa-salbeyds. Sa sityo Bayang, Brgy. San Ramon, Tinambac natakot ang taumbaryo sa ginawang pahayag ng tropa ng 83rd IB at PNP. Sa bayan ng Garchitorena, inimbitahan ang mga opisyales ng barangay nang nagpakilalang Lt.Col. Monjardin at harap- harapang ipinahayag ang pagbabanta sa buhay ng sinumang matukoy na nagbibigay tulong sa rebolusyonaryong kilusan. Sa Barangay Gubat, Lagonoy noong Abril 9, 2018 matapos ang naganap na labanan ipinatawag ang mga opisyales ng konseho ng barangay , kinontrol ang taumbaryo at hindi pinayagang umalis sa loob ng kanya kanyang bahay. Pebrero 17, 2018 pumasok sa Olag Grande,Tinambac ang tropa ng 83rd IB at tumuloy sa isang koprasan na pag-aari ng mag asawang Henry Sanji at Emma Sanji. Dahil sa takot at matinding nerbiyos inatake sa puso si Emma Sanji at namatay.

Habang nagpapatuloy ang combat operations ng tropa ng militar at pulis, isang insidente ng pamamaril sa mga empleyado ng lokal na gubyerno ng Tinambac noong nakaraang Marso 21, 2018 bandang ika-11 ng gabi sa Sityo Tigman , Bagacay, Tinambac Camarines Sur. Tatlo ang nasugatan na nakilala sa pangalang Elino Teope Jr, Edgardo San Andres at Nicolas San Agustin, lahat taga Bagacay, Tinambac. Ang mga binaril ay mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Tinambac na bahagi ng Task Force Gantad na ang pangunahing trabaho ay bantayan ang iligal na aktibidad na may kaugnayan sa pagsira ng kalikasan. Hanggang sa kasalukuyan hindi pa nabibigyan ng kalutasan kung sino ang nasa likod ng pamamaril at salarin sa naganap na krimen.

Ang pagpaslang kay Jeric Gestole “ Kasamang Ems” na wala ng kapasidad na lumaban matapos masugatan sa isang naganap na engkuwentro sa pagitan ng BHB at tropa ng 83rdIB noong Abril 9, 2018 ay isa pang patunay nang pagiging marahas at pasista ng tropa ng AFP.

Sa ginawang pananakot, pandarahas at pamamaslang ng tropa ng 83rdIB, 22ndIB, 93rdDRC at PNP. Hinubaran nito ang sarili sa harap ng masa. Nakilala ng taumbayan kung sino ang dapat tawaging terorista. Muling napatunayan sa karanasan na ang BHB na matagal nang kilala, kaibigan, katuwang sa pakikibaka ng masang api sa lugar ang tunay nilang hukbo at tagapagtanggol.

Sa gitna ng malawakang operasyon at paninibasib ng tropa ng 83rd IB, 93rdDRC, 22nd IB at tropa ng PNP sa Partido area, nanawagan si Gen Jesus Manangquil na sumuko na ang mga rebolusyonaryong pwersa sa ngalan ng kapayapaan. Ito ay isang kahangalan! Hindi sa paraan ng pagsuko ng armas at prinsipyong ipinapakipaglaban makakamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan. Hindi makakamit ang kapayapaan kung hindi matutugunan ang mga batayang pangangailangan ng mga magsasaka at uring anakpawis para mabuhay ng marangal. Ang karapatan sa lupa ng mga magsasaka, ang tama at sapat na pasahod para sa mga manggagawa para mabuhay ng marangal sampu ng pamilya nito, at ang pagtugon sa iba pang demokratikong interes ng mga kabataan, kababaihan at iba pang sektor ng lipunan. Walang kapayapaan kung ang mga kriminal na sangkot sa pamamaril ng mga inosenteng sibilyan ay malayang nakakakilos na naglalagay sa peligro sa mga naging biktima nito at sa mga susunod pang magiging biktima.

Hindi pagsuko ng armas at ng prinsipyong ipinapakipaglaban ang tugon ng Tomas Pilapil Command sa panawagang ito ng 9thID . Magsisilbing inspirasyon ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Tomas Pilapil Command ang maningning na kasaysayan sa pakikibaka sa lugar at ang makasaysayang ambag ng magigiting na anak ng bayan ng Partido area na nagbuwis ng kanilang buhay tulad nina Tomas Pilapil at dalawang kapatid nito, ang magkapatid na Romulo at Ruben Jallores ng Tigaon, Eduardo Olbara ng Sangay, Roberto Mancilla ng Caramoan, Javier Fortaleza ng Ocampo at iba pang mga martir na nagbuwis ng kanilang buhay para sa sambayanan.

Nananawagan ang Tomas Pilapil Command sa mamamayan ng Partido Area na higit na magkaisa para tutulan ang pandarahas at panlilinlang ng tropa ng 83rdIB, 22ndIB, 93rdDRC at PNP na kasalukuyang naglulunsad ng kanilang “combat operation”. Pahigpitin ang pagkakaisa para pangalagaan, ipagtanggol ang mga karapatan sa gitna ng naninibasib na mga tropa ng Philippine Army at Philippine National Police.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20180417-malawakang-operasyon-ng-tropa-ng-afp-sa-partido-district-naghahasik-ng-takot-at-pangamba-sa

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.