Sunday, April 22, 2018

CPP/Ang Bayan: AFP, nagtamo ng 5 kaswalti sa Camarines Sur

Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Apr 21): AFP, nagtamo ng 5 kaswalti sa Camarines Sur

DALAWA ANG PATAY at tatlo ang sugatan sa hanay ng 83rd IB sa inilunsad na operasyong haras ng Bagong Hukbong Bayan-Camarines Sur noong Abril 9. Inilunsad ng isang tim ng mga Pulang mandirigma ang naturang aksyon laban sa mga nag-ooperasyong sundalo bandang alas 8:30 ng umaga sa Barangay Gubat, Lagonoy.
Matapos ang opensiba, nakaengkwentro ng mga operatiba ang isa pang kolum ng kaaway. Dito nasugatan sa tuhod si Jeric “Ka Ems” Gestone. Bandang 1:30 ng hapon, natagpuan at hinuli ng militar ang sugatan at walang armas na si Ka Ems. Kinaladkad nila ito at binaril sa ulo. Maituturing na hors de combat o wala nang kakayahan lumaban si Ka Ems.

Para manipulahin ng militar ang kanilang paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), isang minutong nagpaputok ang militar upang palabasin na sa isang lehitimong engkwentro nasawi si Ka Ems.

Negros Occidental. Pinarusahan ng BHB-Central Negros (Leonardo Panaligan Command o LPC) sina dating SSgt. Jose Joerito Amable ng 11th IBPA at dating SPO1 Alejandro Borres noong Abril 9, alas 6:25 ng gabi, sa Barangay Bulad, Crossing Magallon, Isabela, Negros Occidental.

Ayon kay JB Regalado, tagapagsalita ng LPC, isa si Amable sa mga “military tactician” ng mga makapangyarihan at kontra-mamamayang kalupitan ni Mayor Magdaleno “Magsie” PeÒa sa Hacienda San Benito. Kasabwat din siya sa militaristang pagpatakbo ng pulitika sa buong Magallon bilang Civil Defense Security Head. Matapos magretiro, naging aktibo si Amable bilang upisyal sa paniktik ng 303rd IBde. Aktibo siyang nagrekluta ng mga sibilyan at inarmasan sila para takutin at pagbantaan ang lahat ng kalaban ni PeÒa sa pulitika, at tugisin ang mga kasapi ng BHB.

Samantala, si Alejandro Borres ay isa ring tauhan ni PeÒa sa Magallon. Kasabwat siya sa mga kabulastugan at kontra-kilusang aktibidad nina PeÒa at Amable sa Moises Padilla.

North Cotabato. Inambus ng BHB-North Cotabato ang isang ahente sa paniktik sa bayan ng Magpet na si Antonio P. Takinan sa Barangay Tagbak, Magpet noong Abril 4. Nakuha mula sa kanya ang isang kalibre .45 na pistola.

Ang pamamarusa ay nakabatay sa pagiging aktibong ahenteng pang-intelidyens ni Takinan at pwersahang pagrerekluta ng mga katutubong Lumad sa paramilitar na CAFGU Bagani Fighters. Masugid din siyang tumulong sa militar sa kanilang mga operasyon na nagdulot ng matinding mga paglabag sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas. Pwersahan din niyang itinulak ang mga sibilyan para sumuko bilang BHB o umaming sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan. Malaki ang kinalaman niya sa walang habas na pambobomba sa mga komunidad ng Lumad noong Disyembre 21 ng 39th IB.

Bukidnon. Hinaras ng isang yunit ng BHB-Bukidnon ang mga nag-ooperasyong tropa ng 403rd IBde ilalim ng 4th ID sa Sityo Pakulab, Barangay Calabugao, Impasug-ong noong Abril 11, alas 11:00 ng umaga. Muling nagkaengkwentro ang yunit ng BHB at 8th IB sa Sityo Ulayanon sa parehong barangay noong bandang tanghali ng Abril 14. Walang kaswalti sa BHB ngunit nadakip si Susan “Ka Chay” Cabusao-Guaynon, may asawa at limang buwan ng buntis. Sa kasalukuyan, nasa kamay pa siya ng kaaway.

Sa interbyu sa radyo noong Abril 17 kay 1Lt. Erwin Bugarin, tagapagsalita ng 8th IB, inamin niyang mayroon silang kaswalti sa naturang mga labanan.

[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20180421-afp-nagtamo-ng-5-kaswalti-sa-camarines-sur/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.