Monday, January 8, 2018

2 Cafgu wounded sa IED Explosion, Militar nakaalerto!

From Radio Mindanao Network (Jan 8): 2 Cafgu wounded sa IED Explosion, Militar nakaalerto!


6th ID Pic

Sugatan ang dalawang myembro ng CAFGU sa nangyaring insidente ng pagsabog sa Datu Hopper Maguindanao kaninang umaga.

 Kinilala ang mga nasugatan na sina Michael Dayo at Freddie Lupos na kapwa nagtamo ng minor wounds mula sa di natukoy na uri na IED.

 Sinasabing nagpapatrolya sa bahagi ng Brgy Labu -Labu ang mga ito kasama ng iba pang cafgu ng mangyari ang explosion.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na ang mga elemento ng BIFF ang nasa likod na IED Explosion.

 Patuloy pa ring nakaalerto ang mga otoridad para sa kaligtasan ng mga sibilyan sa lugar.

https://rmn.ph/2-cafgu-wounded-sa-ied-explosion-militar-nakaalerto/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.