Friday, October 20, 2017

Tagalog news: OPAPP nagsagawa ng workshop para sa TF Bangon Marawi

From the Philippine Information Agency (Oct 20): Tagalog news: OPAPP nagsagawa ng workshop para sa TF Bangon Marawi

Nagsagawa ng dalawang araw na workshop ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na bumubuo sa Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa pangunguna ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Kasama rin sa workshop ang mga kinatawan ng civil society groups na nagsasagawa ng mga proyekto sa Marawi.

Layon nito na makabuo ng mga batayan sa isasagawang “healing process” na isang kritikal na bahagi sa rehabilitasyon ng Marawi.

Ipinaliwanag ni Usec. Diosita Andot ng OPAPP na mahalaga ang nasabing workshop para lubusang maunawaan ang mga problema na naging mitsa ng krisis sa Marawi.

Ang resulta ng dalawang araw na workshop na may temang “Conflict Context Setting Workshop on the Marawi Crisis” ay isasama sa pangkalahatang mga proyekto at programa ng task force.

Nakasama ng OPAPP na siyang lead agency sa Social Healing and Peacebuilding component ng Sub-Committee on Peace and Order ng Task Force Bangon Marawi, ang security sector, National Economic Development Authority, Department of Interior and Local Government, Mindanao Development Authority, National Intelligence Coordinating Agency, Department of Public Works and Highways, local government units, traditional leaders, Ulama, at mga miyembro ng civil society groups. (OPAPP)

http://pia.gov.ph/news/articles/1001093

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.