NPA-Sorsogon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Sep 13): Brgy. Kgwd. Atienza ng Brgy. Trece Martirez, Casiguran, Panibagong Biktima ng Pamamaslang ng mga Tropang Militar
Ka Samuel Guerrero, Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
13 September 2017
ariing kinokondena ng CMC ang lumalalang kaso ng ekstra-hudisyal na pamamaslang ng pasistang militar sa probinsya ng Sorsogon.
Noong Setyembre 12, 2017, binaril-patay si Brgy. Kgwd. Salvador “Buddy” Atienza ng Brgy. Trece Martirez, Casiguran, Sorsogon. Nagmamaneho ng kanyang traysikel ang biktima mula sa Sityo Cagdagat, Brgy. Boton ng parehong bayan nang sundan ang kanyang sasakyan ng dalawang (2) motorsiklo na may apat na kalalakihang sakay. Tinapatan ng mga salarin ang kanyang traysikel at saka siya pinagbabaril ng kalibre 45 pistola. Namatay si Kgwd. Atienza sa ospital.
Tanging mga militar ang may malinaw na motibo para paslangin si Kgwd Atienza dahil pinaghinalaan nila itong kasapi ng rebolusyonaryong organisasyong masa at tagasuporta ng NPA. Noong Agosto 20, 2017, sa isang pagpupulong sa sentrong bayan ng Casiguran kung saan ipinatawag ng mga opisyal ng 31st IBPA ang mga kapitan ng ilang baranggay sa parehong bayan, tinukoy ng tropang kaaway ang ilang sibilyang residente ng Casiguran na pinagsususpetsahan nilang kasapi diumano ng rebolusyonaryong organisasyong masa at tagasuporta ng NPA. Inobliga nila ang mga Brgy Captain na kailangang sabihan ang mga sibilyang pinag-iinitan nila na mag “lie-low” at nagbanta pa na kung hindi susunod ay matutulad sila sa nangyari kay Brgy. Kapitan Oscar Jetomo, ang pinaslang na Brgy. Captain ng Brgy. Marinas, Gubat. Sa pagkakataong iyon, indirektang ipinagmayabang pa ng mga buhong na tropang 31st IBPA na sila nga ang pumaslang kay Kap. Jetomo.
Sa Brgy. Trece Martirez, binanggit ng mga militar na dalawang baranggay kagawad diumano ang kanilang target. Bago ang pamamaslang na ito, noong unang linggo ng Agosto, nagparehistro ng blotter sa baranggay at sa PNP-Casiguran si Kgwd. Atienza nang batuhin ang kanyang traysikel at mabasag ang salamin nito ng dalawang di-kilalang kalalakihan na naghanap sa kanya at ilang minutong umabang sa labas ng kanyang bahay. Sa panahong iyon, isa ang Brgy. Trece Martirez sa binabalik-balikan ng operasyong kombat ng tropang 31st IBPA.
Malinaw na mga militar ang ekstra-hudisyal na pumaslang kay Kgwd Atienza. Samantala, bistado ang pagtatakip sa kabaro niya at kasinungalingan ni PSSupt.Tejada, Police Prov. Director ng Sorsogon, sa biglaan at malisyosong pagbibintang niya sa NPA ng nasabing pamamaslang. Katawa-tawa siya nang wala namang maisagot ukol sa batayan ng ganitong suspetsa ng kapulisan bilang anggulo sa pamamaslang, pagkatapos niyang sabihin na iimbestigahan pa lamang nila ang kaso.
Kondenahin ang lumalalang kaso ng abusong militar laban sa mamamayang sibilyan!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.