Friday, September 29, 2017

Ateneo de Davao binulabog ng bomb threat

From the Mindanao Examiner (Sep 29): Ateneo de Davao binulabog ng bomb threat

Nabulabog kahapon ng bomb threat ang Ateneo de Davao University matapos na umano’y kumalat ang mga text messages sa Davao City na may bombing itinanim sa naturang paaralan.

Agad naman sinuspindi ng Ateneo ang lahat ng classes doon at pinalikas ang daan-daang mga estudyante, guro at empleyado habang sinusuyod ng bomb squad ang lugar. Naglabas pa ng tweet si Fr Joel Tabora, ng Ateneo, na suspindido ang mga classes dahil sa naturang bomb threat.

“ADDU Classes in Jacinto Campus called off for the rest of the day. Stay away until all is checkd,” tweet pa ni Tabora na siyang presidente ng paaralan.

Hindi naman agad mabatid kung saan o sino ang nagpakalat ng text messages na may sasabog na bomba sa Ateneo. Noon Septemebr 2 ng nakaraang taon ay sumabog rin ang isang bomba sa night market sa Davao City na ikinamatay at ikinasugat ng marami.

Ang local na Maute group ang siyang itinuro sa naturang atake sa night market sa downtown Davao. Ang naturang grupo ngayon ang siyang nakikipaglaban sa militar sa Marawi City.

http://mindanaoexaminer.com/ateneo-de-davao-binulabog-ng-bomb-threat/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.