Sunday, July 16, 2017

CPP/NPA-Kalinga: Kontra-Atake ng NPA: 1 Patay, 5 Sugatan

NPA-Kalinga propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jul 16): Kontra-Atake ng NPA: 1 Patay, 5 Sugatan



Ka Tipon Gil-ayab, Spokesperson
NPA-Kalinga (Lejo Cawilan Command)

16 July 2017
Press Release

Hulyo 4, 11:30 n.u – nagsagupa ang isang yunit ng Lejo Cawilan Command (LCC) – NPA Kalinga at tropa ng 50IBPA sa Batong Buhay, Brgy. Balatoc, Pasil. Nagresulta ang mahigit tatlong oras na palitan ng putok sa isang patay at limang sugatan sa panig ng 50IBPA habang ligtas na nakaatras ang yunit ng LC ng walang kaswalti.

Simula Hunyo hanggang sa kasalukuyan at aktibong nag-ooperasyon ang mga tropa ng 50IBPA sa mga baryo ng Balatoc at Colayo sa nasabing bayan na nagdudulot ng matinding takot at perwisyo sa mga sibilyan. Nagkakampo sila sa mga kabahayan, barangay hall at eskwelahan sa Brgy. Colayo at naghahasik ng matinding saywar. Habang pwersahan at agresibong nagrerekrut ng mga bagong CAFGU sa Brgy. Balatoc.

Ang patuloy na operasyong militar ng 50IBPA sa mga baryo ng Kalinga at bahagi ng desperadong pagtatangka ng gobyerno na hawanin ang daan tungo sa pagpapatupad ng mga mapanirang proyekto at patakarang sasalanta at aagaw sa lupang-ninuno ng mga pambansang minorya ng Kordilyera. Tungkulin ng lahat ng mga mamamayan na labanan ang anumang pagtatangka na sisira sa lupa, kabuhayan at kayamanan ng Kordilyera.

Nagpapanawagan ang LCC na irespeto ng AFP at ng gobyerno ang nalagdaan ng Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) sa pamamagitan ng pagpapatigil sa mga operasyong military at pagrespeto sa karapatang-tao ng lahat ng mga mamamayan kasama na ang mga pambansang minorya. Pinapanawagan din ang muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF).

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.