Friday, June 23, 2017

CPP/NPA-Palawan: Aksyong Pamamarusa ng BHB-Palawan sa Newington Construction Company

NPA-Palawan propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jun 20): Aksyong Pamamarusa ng BHB-Palawan sa Newington Construction Company

Salvador Luminoso, Spokesperson
NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command)

20 June 2017

Pinarusahan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng BVC ang Newington Construction Company na pag-aari ng pamilyang Gardiola na taga lalawigan ng Batangas. Ang pamamarusa ay inilunsad noong ika-19 ng Hunyo sa pagitan ng ika-10:00 at 10:30 ng gabi sa barangay New Canipo San Vicente Palawan. Isinagawa ang pamamarusa bilang tugon sa mahigpit na kahilingan ng mga mamamayang apektado sa operasyon ng naturang kompanya. Sa pamamarusa ay nasunog at ganap na napinsala ang 4 na dumptruck, 3- backhoe, 1- grader at 1- pison na pag-aari ng Newington nang wala isa mang sibilyan ang nadamay.

Ang Newington ay malaon ng nagpapagamit at kasabwat ng mga kurap na pulitiko upang makakuha ng malaking kontrata sa mga proyektong may kaugnayan sa mga pagawaing pambayan(public works)na proyekto ng nasyunal at lokal na pamahalaan tulad ng mga kalsada, tulay at ibapang katulad nito. Sangkot din ito sa mga illegal quarrying na kung saan ay nakapipinsala sa kalikasan at sa buhay at ari-arian ng mamamayan.

Sa Palawan, ay ganitong mga kaso ang reklamong nakarating sa rebolusyonaryong kilusan na idinulog ng mga taong apektado at biktima ng kompanyang ito sa kanilang walang pakundangang operasyon at bilang tugon ay kagyat na inatasan ang BVCupang agarang isagawa ang pamamarusa.

Sa aksyong ito ng Bagong Hukbong Bayan ay nagpaabot ng pasasalamat ang mamamayan sa lugar na napinsala ng naturang kompanya. Higit na humigpit ang pagtangkilik sa Bagong Hukbong Bayan dahil ito lamang ang hukbong magtataguyod sa kanilang mga demokratikong interes.

Mabuhay ang mga Palawe├▒o!
Mabuhay ang CPP/NPA/NDFP!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang Rebolusyon!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.