Friday, June 23, 2017

CPP/NPA-Camarines Norte: Magkasunnod na Opensiba ng NPA, Paglaban sa maka-US na AFP

NPA-Camarines Norte propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Jun 21): Magkasunnod na Opensiba ng NPA, Paglaban sa maka-US na AFP

Carlito Cada, Spokesperson
NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)

23 June 2017

Noong Hunyo 21, 1:02 am, inasolt ng mga Pulang Mandirigma mula sa Armando Catapia Command (NPA-Camarines Norte) ang patrol base ng 902nd Infantry Brigade ng 9th Infantry (Spear) Division, PA sa Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte. Sa labanang tumagal ng 3 oras at 40 minuto, isa ang napatay at apat ang sugatan sa hanay ng AFP, habang walang kaswalti sa panig ng NPA. Isang K3 machine gun din ang nasamsam mula sa AFP.

Kasunod nito, bandang 6:00 ng umaga, pinasabugan ng command-detonated explosive (CDX) ang 2 trak na may lamang di bababa sa 15 sundalo na magre-reinforce sana sa Barangay Dumagmang. Isinagawa ang demolisyon sa distansyang mga 400 metro mula sa detatsment ng 9th IB sa Barangay Mahawan-hawan, Labo. Nagkaroon ng palitan ng putok na umabot ng 10-15 minuto. Sa hanay ng kaaway, isa ang kumpirmadong patay na pinangalanang Corporal Rey Lota, at apat ang sugatan. Walang kaswalti sa panig ng NPA.

Kaugnay ng paggamit ng CDX, iba ito sa ipinagbabawal sa Ottawa Treaty na landmine na sumasabog kapag nasagi, naapakan o nadaanan. Ang CDX na ginagamit ng NPA ay sumasabog lang kapag pinindot ng nakatalagang bomber ang trigger ng blasting machine. Kaya nasusuri muna ng kumand ang sitwasyon bago i-atas ang pagpapasabog ng bomba. Lehitimong sandata ito sa digmaan, di tulad ng airstrikes ng AFP, na walang pinipili.

Ang mga opensibang ito ay bahagi ng paglaban ng Armando Catapia Command sa patuloy na all-out-war na kampanya ng Armed Forces of the Philippines at ang itinutulak nitong Batas Militar, na nagbigay daan sa panghihimasok ng US sa Mindanao. Ang pagtindi ng opensibang operasyon ng maka-US na AFP sa all-out-war ay nagresulta sa kaliwa’t kanang paglabag sa karapatang pantao. Sa pagdeklara ng Batas Militar, binigyan ng higit pang kapangyarihan ang utak-pulburang AFP sa pagpapatuloy ng panunupil at pandarahas nito sa mamamayan.

Upang salagin ang pasismo ng AFP at depensahan ang masa, inatasan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang Bagong Hukbong Bayan na maglunsad ng paparaming taktikal na opensiba. Napatunayang walang ibang masasandigan ang masa kundi ang rebolusyonaryong hukbo nito, lalo pa’t ipinakita ni Duterte na siya’y sunud-sunuran na lamang sa AFP na haligi ng US sa Pilipinas.

Nananawagan ang Armando Catapia Command sa lahat ng yunit nito na ipagpatuloy ang paglunsad ng taktikal na opensiba upang itaguyod ang karapatan at interes ng masa. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka, lumalakas din ang kapangyarihan ng masa upang itaguyod ang kanilang karapatan upang kamtin ang kalayaan at kapayapaang nararapat na sa kanila.

https://www.philippinerevolution.info/statements/20170623-magkasunnod-na-opensiba-ng-npa-paglaban-sa-maka-us-na-afp

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.