Julian Paisano
Tagapagsalita
Coronacion Chiva “Waling-Waling” Command
NPA-Panay Region
Mariing tinutuligsa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Panay ang nagpapatuloy na hayagang paglabag ng AFP, partikular ng 3rd ID-PA sa indefinite unilateral ceasefire na dineklara ni GRP Pres. Duterte simula noong Agosto 21, 2016. Hanggang sa kasalukuyan, may mga nakapakat na mga tropa ng 82nd at 61st IB-PA sa mga barangay ng Iloilo, Antique, at Capiz1 na nagsasagawa ng mga operasyong paniktik at saywar sa ilalim ng pakanang “Peace and Development Program” at combat patrols sa mga paligid nito. May mga barangay din na bago pa lang inalisan ng kanilang tropa at pana-panahon nilang binabalikan.
Nilalabag din ng mga nasabing tropa ang mga karapatang pantao at mga batas ng digma sa pamamagitan ng paghimpil ng kanilang armadong tropa sa gitna ng sibilyang populasyon, paniniktik at paglilimita sa kilos ng mga sibilyang naninirahan sa lugar, pananakot sa kanilang dinududahang mga indibidwal, pagpasimuno ng mga anti-sosyal na aktibidad tulad ng sugal, pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga, pornograpiya, pananamantala sa kababaehan at iba pa. Ang mga ito ay tahasang paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na unang napagkasunduan ng (Government of the Republic of the Philippines) GRP at National Democratic Front-Philippines (NDFP).
Maging ang papel ng mga sibilyang ahensya ng reaksyonaryong gobyerno tulad ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education and Culture (DepEd), at iba pa ay kinakamkam din ng AFP sa kanilang mga pakitang-tao na medical mission, gift-giving, “literacy patrols”. Nakikialam din ito sa mga barangay councils at assembly sa pamamagitan ng sapilitang pagdalo dito.
Ang nagpapatuloy na operasyon ng 3rd ID-PA ay nagpapakita ng kanilang totoong masamang intensyon: (a) pagsalungat at pananabotahe sa usapang pangkapayapaan na kasalukuyang pinaiiral ng NDFP at GRP; (b) hayagang di-pagtalima, lalo na ng kanilang mga nakatataas na opisyal, sa utos ng kanilang commander-in-chief na si Pres Duterte; at (k) pagsisinungaling sa kanilang mga pahayag sa publiko na diumano sila ay sumusuporta sa usapang pangkapayapaan.
Sa panig ng BHB-Panay, mahigpit na tumatalima ito sa Interim Unilateral Ceasefire na dineklara ng pambansang pamatnugutan simula noong Agosto 28, 2016. Sa katunayan, may mga pagkakataon na sinadyang iwasan ng BHB na makaengkwentro ang mga kalapit na nag-ooperasyong tropa ng AFP dahil sumusuporta ito sa pagpatuloy ng usapang pangkapayapaan ng NDFP at GRP. Samantalang nagsusulong ang BHB ng armadong pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya, kinikilala ng BHB-Panay ang malaking papel ng kasalukuyang usapang pangkapayapaan para maipatupad ang iilang mga reporma para sa tunay na kapayapaan at panlipunang kagalingan ng mga Pilipino.
Hinahamon ng BHB-Panay ang pamatnugutan ng 3rd ID-PA na maging makatotohanan sa kanilang dineklarang ceasefire sa pamamagitan ng kagyat na pagpatigil ng kanilang mga combat at psychological operations at pagbalik ng kanilang mga tropa sa kani-kanilang mga kampo. Kung totoong sumasang-ayon sila sa usapang pangkapayapaan, dapat pairalin ang sitwasyon na paborable sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, sa pamamagitan ng pagpapatigil ng implementasyon ng Oplan Bayanihan sa buong Panay at makatotohanang pagpapatupad ng tigil putukan pareho ng ginagawa ng BHB. Mas dapat na tuonan ng pansin ng AFP at PNP sa ngayon ang makatotohanang paglinis sa kanilang hanay na talamak sa korapsyon, durugista at anti-sosyal na mga opisyal at elemento.
Nananawagan kami sa lahat ng mga mamamayan sa Panay na naghahangad ng tunay na kapayapaan at kaunlaran na suportahan ang peace talks ng NDFP-GRP at maagap na ibunyag at salungatin ang anumang mga paglabag ng 3rd ID/PA sa kasalukuyang pinaiiral na tigil-putukan ng magkabilang panig. Mariin ding ibunyag at hadlangan ang mga ginagawang paglabag ng AFP sa karapatang pantao ng mga mamamayan.
_______________________
1 Mga barangay sa Iloilo at Antique na may pakat ng 82nd IB bilang mga Peace and Development Teams (PDT)–mga barangay ng Tagpuan, Ingay, Mayang, Bundoc, Boloc, at San Jose, (Tubungan); mga barangay ng Tacuyong Norte at Nalbang (Leon); Cabladan, Sibalom at Osorio II, San Remigio, (lahat sa Antique). Maliban sa PDT, ang mga ditatsment ng 82nd IB ay ipinwesto pa sa nainteryor na mga barangay ng Passi at Igcabugao (Igbaras). May mga PDT din sa border ng Maasin-Janiuay at sa Brgy. Jayubo, Lambunao. May nakadeploy ding mga special forces ng PNP sa upper Calinog sa lugar na pinaplanong tatayuan ng megadam. Halos permanente na rin ang PDT ng 61st IB sa mga barangay Acuna at Katipunan, at ditatsment ng 61st IB at Civilian Army Auxilliary (CAA) sa Brgy, Daan Sur, Tapaz, Capiz.
1 Mga barangay sa Iloilo at Antique na may pakat ng 82nd IB bilang mga Peace and Development Teams (PDT)–mga barangay ng Tagpuan, Ingay, Mayang, Bundoc, Boloc, at San Jose, (Tubungan); mga barangay ng Tacuyong Norte at Nalbang (Leon); Cabladan, Sibalom at Osorio II, San Remigio, (lahat sa Antique). Maliban sa PDT, ang mga ditatsment ng 82nd IB ay ipinwesto pa sa nainteryor na mga barangay ng Passi at Igcabugao (Igbaras). May mga PDT din sa border ng Maasin-Janiuay at sa Brgy. Jayubo, Lambunao. May nakadeploy ding mga special forces ng PNP sa upper Calinog sa lugar na pinaplanong tatayuan ng megadam. Halos permanente na rin ang PDT ng 61st IB sa mga barangay Acuna at Katipunan, at ditatsment ng 61st IB at Civilian Army Auxilliary (CAA) sa Brgy, Daan Sur, Tapaz, Capiz.
https://www.cpp.ph/afp-sa-panay-hindi-makatotohanan-sa-kanilang-ceasefire/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.