Can you give the order of tikas pahinga? Kindly. Thank you.
Secretary Delfin Lorenzana; Secretary Michael Lloyd Dino of
the Presidential Assistant for the Visayas Area; General Ricardo Visaya, Chief
of Staff AFP; Lieutenant General Eduardo Año, Commanding General Philippine
Army; Lieutenant General Nicanor Vibar, Commander Central Command; the officers
and enlisted personnel of the Armed Forces of the Philippines and the
Philippine National Police; my beloved countrymen.
I'm sorry I forgot all about it. I was doing the talk all
the time and time just... Hindi ko nga naalaala na I have to talk to you. I
went to two military camps just to visit the soldiers. Now I'd like to... Ayaw
ko 'yung magpalakas sa inyo. But it's a fact that I need to do something for
you also and you have to be informed.
Ganito iyan eh, I went to your AFP Medical
Center the other night.
And I was really appalled to know that a big hospital such as yours, wala
kayong mga gamit na pinakaimportante to save lives. For example like the MRI,
it is better than the CT scan. It is an improved version of the X-ray a
thousand times.
So, nakikinig ako I was... Mabuti na lang kasama ko si
Secretary Diokno sa DBM sa Budget. So sabi, “Sige, ano pa ang wala sa inyo?”
Then the baric, ito 'yung tangke and the best illustration of that talagang
ginagamit rin ito 'yung mga divers na who would suffer the bends, ‘yun malakas
'yung sa ano ninyo oxygen, 'yung nagsha-shake, it's a high pressure.
But this is very important for the soldiers kaya sabi ko
bilhin natin ito. Kasi it is a high-pressure chamber pasok ka sa loob, then if
you have wounds na matagal kang makuha at maybe you are near gangrene, eh
maipasok ka doon because of the high pressure, blood will remain there and it
will circulate again and again doon sa limited area and it could save your foot
or your hand or I don't know if it's --- iyon lang ang alam ko because…Anyway
sabihin ko na sa inyo if I have time.
Then I also give you a Gamma rays, X-ray na para hindi na,
wala ng invasive ano na lang. Then another one and I give you in your building
because the old is there 1950s, nagle-leak na ‘yung plumbing. Eh kapag
bumabalik ‘yung dumi na binababa mo eh that is no longer healthy for the
soldiers to be there. Iyong kagaw --- ano ba yung kagaw? Iyong germs. Bisaya
kasi ako eh. Iyong germs babalik doon sa ano… And then if you are there...
That’s why people avoid hospital because either --- madaming germs diyan sa ospital,
ma-pneumonia ka, matuluyan ka. So sabi ko, “You have to condemn it immediately
and I will give you a new building." But do not destroy it if it can be of
use to you because you can always refit the plumbing system, ayusin lang ninyo
and there’s another building.
Mabuti na lang wala…Wala nang magsabi sa akin na wala pala
ito. Well, anyway I am just two months as your President kaya ako nag-iikot sa
mga kampo. Inuna ko rin muna just to show my support to you. And we have some
casualties in Mindanao. Ang pinakamatinding bakbakan is Mindanao. Iyong doon sa
Western side, we have the Abu Sayyaf and the other renegades there; at dito sa
Region 11 sa siyudad ko kasali pinakamatindi ang NPA. In Davao City hindi
masyado kasi --- sa ibang lugar pero sa Davao City hindi masyado ‘yan sila
active.
Ngayon, I am here to assure you na sa panahon ko
pagka-Presidente, baka hindi niyo alam ang tatay ko sundalo. One of the
earliest [inaudible], Digos, Governor Llanos was a major sa Philippine Army
noon. Tatay ko sa JAGO. He was one of the three prosecutors of the
collaborators dito sa Cebu. And mind you, ‘yung isang akusado noon Osmeña, si
Sergio, for collaboration with the enemies…Amnesty ganun... Isa doon sa nasabit
doon sa collaboration with Japanese. Nandito ang tatay ko na-assign but he was
from Danao.
Ngayon, I feel strongly for the soldiers. Wala naman akong
kailangan sa inyo. I do not need your personal loyalty sa akin. Just love your
country. Obey the Constitution, period.
Huwag na masyado sa…Kaming mga politiko, we come and go. Eh
ngayon magsabi ka na maya-maya niyan, the year is just around the corner. But
gusto ko na sa panahon ko, wala naman kayong masabi na hinayaan ko kayo.
And I feel for my soldiers and Davao City really improve to
what it is now because of the police and the military. Iyon talaga ang totoo
doon. Sino naman pala ang inutusan ko na pumatay niyan? Eh ‘di pulis pati
military.
I mean I had the full cooperation. And in return I was also
loyal to my men. Magtanong na lang kayo ng pulis kung nandito sila o ‘yung mga
opisyal na dumaan ng Davao, sila rin…Iyong Secretary of Defense, alam niya kung
paano ako mag-handle ng…And even during the times ‘yung minsan na magover-shoot
‘yung kanyon nila, natamaan ‘yung isang pamilya nawala, susmaryosep, Human Rights
tayo dito. But you know, talagang inalagaan ko. At wala namang nasabit because
I was there to protect them. So ang sundalo pati pulis malakas ang loob.
Ngayon, gusto ko ‘yan ang ano ninyo --- you adopt that
attitude. Not because I abuse my authority, far from it actually, I am a
prosecutor. But when I am here, Presidente ako, I have to do something. I have
to do it because nobody is going to do it for us.
Ngayon, if I read the names now of the judges which I will
--- in a few hours, few days --- may mga congressman, it’s not because gusto ko
silang siraan. Hindi ko kilala ito. Pati mga pulis --- judges, pulis, mga
congressman. But it behooves upon me, nandito sa akin ‘yung obligasyon to tell
the Filipino people of what is happening to this country.
Their right…Kaya nga ‘yang mga media eh. They are always
asking for their right to be informed. And so also, hindi lang kayo, the whole
of the sambayanang Pilipino are entitled to know what is happening in the
country.
In the light na umabot na ng 500,000 plus, sino ang managot
nito ngayon? There has to be somebody that I have to explain…Kung kasi ito
baril, you have to catch me, apprehend me holding the baril. Now ngayon, kung
sabihin ko sa inyo ngayon, “Sir, General, last week, hawak-hawak ko apat na armalite.”
“Saan ang armalite?” “Sir, itinapon ko na doon sa…”
Shabu, sabihin nila “O, bakit thousands?” "Walang
nahuli, walang napreso." You know if you read the newspaper, makinig ka sa
mga pretentious, pretenders, na kunwari alam nila lahat, itong 500,000 na ito
kung wala kang mahuli ng shabu, wala. And even if, kita mo noon mag-raid,
walang tao. You cannot even hardly…Kung wala talagang residue diyan, wala kang
magawa. So you cannot put to prison somebody because ang tawag nila “instant
crime”. Either you are holding it or you do not.
Sabihin lang niya, “Nagkumpisal ‘yan sa akin si Duterte na
may hawak raw sa isang Barrett, ipinagbili niya. Pagdating sa korte, “O, iyon
ang sabi mo?” Sabi ni Duterte --- sabihin ko pagdating sa korte, “Hindi man
‘yan totoo. Wala man akong sinabi sa iyo. Hindi ko naman sinabi Barrett, baby,
babae. Eh mahina na…” Tapos sabihin ng korte, “There, what’s the evidence? Your
mouth?” Eh sabi ko, hindi, ikaw sabi mo…Iyan ang nangyayari dito sa atin, we
are really uphill, vertical ang climb natin in this fight.
Kaya ako nagwalang-hiya na. Napipilitan akong magwalang-hiya
kasi winalangya tayo ng mga animal. Hindi ba? 600…Aabot ng 600 iyan. Saan tayo
maghahanap ng ospital, medisina? Saan tayo maghahanap ng…? Where do I…?
Kaya nga sinabi ko doon sa inyo: Let go of a small space in
your camps because ang gobyerno give you really a space kasi sundalo you have
to have space to whatever. Maglaro kayo diyan o mag-practice shooting, that’s
why you have the space. Kaya nga ang sabi ko sa inyo, bigyan ninyo ako maski
isang ektarya lang tutal ikulong ko ‘yan ng barbed wire. Then maglagay ako in
every region ng mga rehab.
Ngayon, kaya mabuti na malaman ninyo, iyong sabi ng mga
forensics experts, if you are into shabu for one year, incessant use, your
brain will shrink. So alam ninyo…I am sure kayo nakakita na ng ganun, bangag na
ba, butas na. Wala nang rehab iyan kasi sabi ng mga experts, “rehab is no
longer viable.” So iyan.
So, ‘yung naayos ko ‘yung mga utak, tanungin ko kayo ‘yung
bangag na, ano, i-release ko na naman? Sabihin ng korte i-release ko? Mag-away
tayo. Kasi babalik ‘yan doon magsaksak na naman, mag-hold-up kasi kailangan
niya ng pera to give him the fix that he needs for the day.
Ibig sabihin para akong nagbitaw ng thousands diyan na mga
criminal. Kaya magkagulo itong bayan na ito…Kaya nga sabi ko sa inyo, itong
pagka-Presidente ko ganito, klaruhin ko na lang, hindi ako atat na atat na
maging Presidente. Dito I am ready pusta ko honor ko, buhay ko, pati ‘yung
pagka-Presidente ko, just don’t…Sinabi ko doon ‘yan.
Huwag mo akong ganunin hindi ako pareho ng iba na
kapit-tuko. Kapag binastos niyo ako talagang bastusin ko kayo. Pati ‘yung mga
Obispo kala mo kung sino pareho lang din pala. Ang sakit niya sakit ko rin. May
Obispo pa na may dalawang asawa. Lamang lang ako ng isa. [tawanan]
Kami sa gobyerno huwag mo kaming ganunin just because we
are…We know that we are workers of government, we are paid to do what we are
supposed to do pero bigyan mo naman kami ng konting… Hindi ako nanghihingi ng respeto,
huwag mo lang kaming bastusin. Kayo magsulat kayo ganun na lang.
Kaya’t ako, sa totoo lang, ako I’m here to reiterate my
commitment. Bigyan ko na kayo ng ano…Sabi naman ho ng ibang doctor, “How about
the satellites?” Iyong mga kampo kung saan-saan, well, we will go to that.
Unahin ko kayo.
Kaya nga ang sabi ko na ‘yung si Kerry, kasama kami ni
Secretary --- si Delfin --- kausap namin si Kerry, ok naman siya…So si Kerry
pumunta dito nagkain kami, iniwanan pa kami ni Delfin ng 33 million dollars. Sabi
ko, “okay ‘to ha.”…
My father was governor of Davao, isa pa ‘yan. When he died
it was…Kaya iyan puro Davao. Davao City, Davao del Sur, Davao Oriental,
Occidental, Davao del Norte. Ang ano lang diyan ‘yung Compostella Valley. Ako?
Kaya ako lang kasi laki rin talaga sa hirap. Dumating kami sa Davao mahirap
kami. 1956 na-demolish ‘yung bahay namin. Nandiyan pa ‘yan.
Pro-poor talaga ako. Talagang binibigyan ko lahat. Atakihin
ko talaga iyang mga nandiyan sa gobyerno yumaman. Kay Roberto Ongpin,
mag-resign siya o mabuti. Lahat ng kontrata ng gobyerno iyo. Panahon ni Marcos
tigas ka, panahon ni Estrada nandiyan ka, panahon ni Gloria Arroyo nandiyan ka,
ngayon panahon ni Aquino, ikaw ang humawak ng online.
Maski saang bahay diyan sa Pasay may online. So where is the
taxes? Saan ang taxes? Ang mga oligarch iyan ‘yan. Sabi ng ABS define
oligarchs? Lahat kayong mayayaman ngayon na puro laway lang ang ginagamit ninyo
hindi pa kayo nagbabayad ng… Talagang sirain ko.
Iyang Laguna de Bay, tingnan mo ‘yang space diyan, wala na,
puro trianggulo. Eh ‘yang pobreng fisherman saan siya mag…He is supposed to
enjoy the entitlements of the lake. Para ‘yan sa mahirap, ngayon pag mga
mayaman o kung hindi ang may-ari governor, congressman, general ay sabi ko,
“sirain mo ‘yan.”
Wala na ang mga tao patay. Iyan ang mga oligarchs. When you
make money at the expense of the poor Filipino you are an oligarch. Kukunin mo
lahat ng space diyan hindi mo bigyan ang mga fishermen. What am I supposed to
do here? Magtingin lang ako?
Kagaya ng contractualization. Sabi ni Secretary Bello,
maghingi pa siya nang marami kasi inspector --- kailangan pa niya inspect.
Hindi ako mag-inspect, inspect. Wala akong perang pambayad niyan. Mahuli kayo
minsan…Sirahan ko kayo o patay.
Bakit pa ako mag-impose-impose? Sumunod kayo o sirahan ko
kayo, period. Kung ayaw ninyo eh ‘di maghanap kayo ng ibang president. Eh ‘di
ibigay ko sige. Huwag ninyo akong…Patrabahuhin mo ako ng ganun tapos ang…
My duty is to everybody. Ang everybody diyan mahirap, it’s
about 97 percent. Pero kayong mga mayaman nakuha ninyo ang kontrata laway lang.
May mga eroplano kayo wala kayong babayad sa taxes. Look what you are doing to
the land of the Philippines? Puro butas. We are the next highly mineralized.
Second tayo, I think one is Africa.
Sinisira talaga maski sino ‘yang may kapital diyan. Hala
butas dito, butas doon. You look at the Philippines, mag-chopper ka from
Surigao to Davao City. Parang tansan ‘yang bukid, puro butas, parang tansan
binibilang ko.
Pumunta ka ng Agusan, Tubay, tingnan mo itong si Gutierrez,
isa pa ‘yang oligarch. Nagpasok ng eroplano walang bayad, nagpasok ng chopper
walang bayad. Nagmina doon sa Agusan sinira ‘yung…
Sino ang oligarch? Kayong manloloko sa Pilipino ang mga
oligarch. Kayong mga Pilipino na hindi nagbabayad ng buwis at tini-TY ninyo,
bayaran mo lang ‘yang BIR na ‘yan. So ang kwentada 5 million, makiusap ka o
sige 3 million na lang. Magbayad ka ng 1 million sa gobyerno, iyang 2 million
ilang bahin-bahinon diha. Mahirap. Karami kong gastusin. And we are supposed to
be…Kaya ang kampanya ko huwag kayong…
Galit ako sa gobyerno. Galit ako sa gobyerno kasi wala nang
ginawa to oppress the people. Pagdating pa lang diyan sa airport ang pobreng
OFW lagyan ng bala. Hindi man sila makalagay ng bala sa bulsa ko. “Sipain kita
diyan.”
Ako ang ganunin mo, baka ipakain... Ako magtanong na lang
kayo pinapakain ko talaga. Iyong coin alam mo ‘yung barker na manaksak ng
driver kay hindi magbigay ng…Itong mga barker, kontrolado nila iyan pati pulis
kay diyan man mag-parking ang mga eskwelahan. Diyan ‘yan sila parang terminal.
Kung hindi ka magbayad saksakin ka. “Kainin mo.” “Sir, katong pinakagamay
lang.” “Ah, mamili ka diyan. Kainin mo.” “Sir, baka magbara sa --- mamatay
ako.” “Talaga mamatay ka talaga, pakialam ko.”
Iyong mayor ng Albuera, mabuti nakaabot siya doon kay Bato
na…Pinahanap ko “shoot on sight” parang aso. Eh ang tingin ko talaga parang
aso. Eh ginagawa mong aso ang taumbayan eh. Iyong mga anak naming gunggong na.
Alam mo kayo kapag nagkaproblema kayo sa pamilya sa droga, wala na.
Ngayon ang mahirap nito, ang mga Pilipino na walang-wala,
‘yung husband nandoon sa Kuwait, iyong asawa naman sa Saudi inaabuso iyan.
Tapos ‘yung anak nila magpadala ng pera dito malulong sa shabu. Ang pawis nila
sirain mo. Ngayon, kung hindi maglulong sa shabu, mabiktima naman pag-uwi
nageskwela hindi mo naman mabigyan ng kotse. Eh ano ba naman ang sweldo hindi
pa nakabayad.
Mabuti ito naalala ko rin I have to send a plane there to
get the…Hindi sila binabayaran, tini-TY pa. Natutulog na lang diyan sa swimming
pool sabi ko…May nauna na silang mga Cabinet members doon na mga Moro.
“Puntahan ninyo doon. Kunin natin ng eroplano iyan.” Kasi raw ang mga passport
nandoon sa mga employers. Ang sabi ko kay Yasay, “you issue travel document.”
Pagtanungin mo dito kung diskumpiyado ka ba na Pilipino o hindi? Bisayain mo na
lang iyan o mag-Ilokano ka.
Naalala ko doon sa dormitory, eh kaming mga Bisaya, diyan sa
dormitoryo sa YMCA. Diyan may lugaw diyan na mobile kariton, ‘yung ganun. Kain
kami mga Bisaya. Dumaan itong mga players ng Letran eh puro matatangkad. Eh
nagtatawanan kami doon. Tapos ‘yung kinakain ‘nung isang player, ginanun ‘yung
sa likod ng kasama namin. “Bisaya ka ano?” Sabi ng, “Hindi uy, Tagalog ako uy.”
[tawanan]
Ang may “uy”, it’s a usage ‘yan sa Visayas. “Huwag uy!”
Huwag, ayaw. Pero doon sa Mindanao na Bisaya, “Ayaw uy.” “Huwag uy si uy ‘yon
Mister Uy.” Alam ko ginanun siya pinulot siya ng player, naawa ako sa anak ng
mayor ng Panabo, Davao del Norte noon, hinatak talaga ‘yung…Sabi ‘nung
six-footer, “Maingay ka, Bisaya ka ‘no?” Sabi niya, “Hindi uy. Tagalog ako uy.”
[tawanan]
Lahat tayo Pilipino. We have…Ikaw Ilokano, ikaw Bisaya, ikaw
Moro, ikaw diyan Ilonggo, we are here as one. Ang mga ninuno natin decided that
maski iba-iba ang ugali natin, pagkain, we will be one. And they wrote it with
their blood noon, ‘yung pact na ‘yon. So we decided because kapareho ang mukha
natin and even the Moro people --- we decided to be just one nation. So it
shall be one nation.
Hindi pwede ‘yan magsabi na, pati itong mga komunista sabi
“coalition government”, nothing of the sort. Diyan na tayo talaga
magkadiperensiya. Kasi noon pumapasok na sila doon sa peace talk namin about
‘yung distribution ng…Pinasok ko sila sige, secretary of what? DSWD, walang
problema, Agrarian Reform iyan.
Pero sa NAPOLCOM gusto nila kunin, sabi ko, "No, you
will never have it." You take care of the mundane matters everyday. But
for everything that itong police pati Armed Forces, reserbado talaga iyan. I
will never agree to any coalition. Kung babae ka pwede pa, “relation”. Huwag
‘yung coalition kay delikado ‘yan. Mamatay tayo.
Well, anyway, I won’t take much of your time but I have to,
you know, ibuhos ko ‘yung galit ko diyan sa droga. Ngayon ‘yan lahat ng
gobernador, noon mga hambugero man ‘yan. Eh ngayon kurog-kurog sila. Wala akong
pakialam. Hindi man ninyo ako mahuli. Bakit ninyo ako huhulihin? May immunity
ako eh. Hindi ako pwedeng hulihin. Magpunta iyong station sa Malakanyang
sabihin niya may pinatay ka, “O ngayon.” “Sir, sama ka sa istasyon kasi nadawit
‘yung pangalan mo.”
Alam mo ang sabi ko sa pulis, pati sa inyo na: magtrabaho
lang kayo. You just follow the order then you do not have to worry about cases.
Basta sa inyong mandate, peacekeeping, to protect the country, just do it.
Huwag lang personal. Ako na ang bahala. Itong mga nangamatay na ito dagdagan
natin iyan ako na ang bahala. I will destroy the apparatus. I tell you straight
give me three minutes.
Itong ngayon alam nila na yayariin talaga sila. Nasa
Amerika, Africa, China na sila. And they have this digital map there eh kapag
zoom-in nila dito sa kampo natin, malaman na --- and they are hearing us. At
ito sabihin nila, “O sige, ipalipat mo sa Leyte. O doon banda may shabu doon sa
mayor na ‘yan. Ang bayad kunin mo sa Cebu.”
That’s why ang Bohol sabi ko, “Bakit maraming droga dito and
to think that --- ?” Iyang Bol-anon kasi law-abiding iyan, God-fearing. Ganun
ang ugali --- ang lugar ng lola ko, Maribojoc, ganun ‘yan sila. Talagang
natatakot sa Diyos. Bakit nagbabaha dito? Saan ito? Iyon palang mayor na ‘yon,
kaya sabi ko, ang order ko, “patayin mo.” Kaya doon siya sa White House ni
Bato, paglabas niyan ah patay. Tapos mag-ano ng pulis, "ikaw man raw ang
nagpapatay." Pagkatapos, "o bakit?" O iyong pulis, “halika dito
bata, anong pangalan mo.” “Sir, patrolman Mario Montes.” “Huwag kang mag-alala
Mario Montes.” “I-type mo ‘yung pangalan diyan Mario Montes.” “Pardon is hereby
granted to Mario Montes...” “Ibigay mo doon sa judge.” “Pardoned.” Ilang pardon
na pulis? Kaya kong mag-pardon isang libong pulis araw-araw. Huwag ninyo akong
lokohin. [tawanan]
Kasi ako lang ang Presidente na ugali sibilyan. Eh kasi
galing ako diyan eh. I mean, mahirap lang ako. Sabi ng Constitution, the
President can grant pardon full or limited sa mga…And I can give you…Ano itong
isa? To grant pardon and grant amnesty with the concurrence of Congress.
Iyan ang nakita ko na panlaban ko. Wala man nakaisip niyan.
Sila pa tuloy ang nangapreso. Ako presuhin mo. “Halika piskal, basahin mo ‘yung
Revised Penal Code.” Sige basahin mo, “That the President, the offender, upon
reaching the age of 70 shall be released.” Mandatory iyan. Ibig sabihin matanda
ka na hindi ka na pwede niyan sa Muntinlupa na iyan. Iyong lubot mo buslot na
masyado diyan pauwiin ka na kasi overage ka na. [tawanan] Ako ngayon Presidente
ninyo 71-years-old. Matatapos ako 77. O bakit mo ako pepresuhin? [tawanan]
Bakit ang pulis bakit ka matakot? Ang army bakit ka matakot?
“Sir, trabaho lang, sir, eh.” Hindi iyan ang sinabi ko, ang sinabi ko, “Do not
lie to me.” Do not lie to me, sabihin ninyo sa akin ang totoo. Basta trabaho
ninyo ang…Sabi niya, “Eh, sir, nag-patrol kami tatlong araw na, sir. Tapos eh
napadaan kami ang ganda kasi, sir.” Ay bata anak ng jueteng ka. Huwag ganun.
Paano ‘yung ibang trabaho mo? Pero ito preso ka talaga ha. Huwag kang
mang-rape. Pero itong trabaho napatay mong 100, okay ‘yan. Trabaho eh.
So kung ipitin kayo, pardon. “O ‘di kala ko dito”…O
Ombudsman, pardon. “Sir, sabit kami doon sa…” Pardon. O di para pa akong Diyos
niyan pagkatapos ko ng --- “the pardoning President.” [tawanan] Huwag ninyo
akong lokohin.
I was doing trial work as a fiscal for 10 years. I have seen
so many cases that I have handled na-dismiss. Pagdating sa kamay ko tiwas na.
Hindi niyo lang alam ang frustrations ko sa crime and law and order. Marami
akong heartaches din diyan kaya lumabas ako loko-loko na rin. Hindi mo ako
maisahan. Kaya itong mga drug lord, itong mga mayors, governors, huwag kayong
magkumpiyansa sa akin. Ipapatay ko talaga kayo. Pardon. [tawanan]
Tapos Duterte ka ‘no? Hayaan mo ‘yan sila sigeg yawyaw? They
will --- rule of law, para sa mga matino. Pero the law of…Takot sa law at takot
sa Diyos, iyan ang may Human Rights, iyan ang magalit ako kung iyan ang inyong
gagawin.
Pero kung itong mga kriminal, mga kidnapper, mga…Wala ‘yan.
Kidnapper, huwag na kayong mag-permission, kidnapin mo. Kung ikaw pulis
kidnapin mo rin, “Saan na ‘yung kinidnap na pera mo?” “Sir, ang naiwan, sir.”
“Ay hindi magkano?” “Sir, ang naiwan na lang, sir, diyes mil.” “Magkano ba ang
hiningi?” “Sabi niya, sir, 100.” Sabi niya…Ganun ang mga criminal eh. 24 hours
iwaldas niya iyan. "Hingian mo ng 30". “Sir, wala daw.” “Ay patayin mo.”
Kung walang ikabayad sa atin eh ‘di patayin mo. Iyon na din ang gawin niya.
Iyon kaya ang ginagawa ng, you know, Abu Sayyaf. There will
never be any peace negoation. You have to destroy them. That is the order:
Destroy them.
Wala na ‘yang…Hindi na ako…Maghintay lang kayo but when I
was mayor, I said: “There will be a reckoning of all of these cruel and brutal
things that you are doing. We will collect someday.” Maghintay-hintay lang kayo
kasi naga-assemble lang kami ng…But there will be a time na sabihin ko,
“Pasukin niyo. Tapusin na ninyo ‘yan, to the last man, para wala na tayong
problema." Para kayo ubos na ang drugs, wala nang ano --- umiinom na lang
tayo diyan. But I am warning you, five to ten years from now, the biggest
problem would be terrorism.
Kaya nanghingi si Secretary Lorenzana ng 20, sabi ko,
“mahirapan ako.” Maybe 10 additional and 5,000 policemen. I will have to
prepare itong Pilipinas. I will never go there unless naka-in place na ang
defenses ko.
I would need about…I would be happy if I will have about of
five battalions of SAF and I can produce another 10,000 soldiers next year okay
na tayo. Okay na ang Pilipinas actually. Sa panahon ko, okay na tayo. Wala na
tayong problema. Kayo, wala na kayong problema. Sabihin ninyo, “Bahala ka na.”
You will have the best.
Kaya hindi ako magsunod-sunod niyang lowest bidder. Maniwala
ako diyan. Bwisit ako diyan. That’s the source of corruption. Iyong lowest bid?
You come up with the lowest quality. Kaya hindi ako magbili sabi ko ng
ano…Okay, magbili tayo negotiated talaga.
Ayaw ko ‘yung…If there’s a question of quality, then it will
be an issue for me. Para sa akin issue ‘yung quality lalo na buhay ang
pinag-uusapan dito eh.
Even the intelligence apparatus, you will have it. Sabi ko
drone, you will have it. Bigyan mo lang ako ng konting panahon and I will…Iyong
ospital ninyo will be…Huwag kayong matakot matamaan kasi wala na 'yan, walang
replacement doon. Covered ka diyan.
Do not be afraid of tomorrow. Ang inyong next year I will
implement it. Kindergarten to high school libre na ang edukasyon ng anak ninyo.
[palakpakan] By December, you’d have doubled your salaries. [palakpakan] This
August --- umpisa na ngayong August tingnan ninyo ‘yung paycheck ninyo.
Nandiyan na ‘yan. [palakpakan]
Wala kayong problema. Lahat ibigay ko. Sabi ko nga doon sa
ano eh, “mabuti na lang…” Hindi ako nagbibiro ha. Iyong mga doon…
Iyong isa tinamaan sa mata talagang nabulag, sabi ko,
nag-iyak siya: “Do not worry. I will take care of you. Paaralin kita ng Braille
and then bigyan kita ng bagong parang natural eye. And then I’d look for work
for you.” Iyong sa call centers. Para makapag-aral lang siya ng Braille, okay
na, paspas iyan eh.
Sabi ko, “Bata, you are still young. There is future. Ako
ang bahala sa iyo.” Iyon namang nakaupo na, I gave them computers. Sabi ko,
“mag-enrol kayong lahat sa AB. You go back to AB. And then you polish your
diction and whatever the --- because iyon computer. At pagnasanay na kayo,
mag-aral kayo ng ano voice and diction and grammar ninyo, that’s about sige
three years, two years, ipasok ko kayo sa call center.” O ‘di wala ng problema
at least menos-menos.
Sabi ko, “huwag na kayong maano…” Pero iyong talagang naano
sabi ko, “I will take care of him sa six years. I will reinvent you as a human
being. Huwag kang mag-alala minus the eyes, I will reinvent you so that you
will succeed.”
Ang unang gawin natin diyan marami man ring buta [bulag] na
babae, ipakilala mo sila para may inspirasyon. I am not trying to ---walang
binastos ---iyong parang may-warm sila na…Kung may asawa pero parang binata
iyon eh. Somebody to take care of them. Desperation kasi para siyang desperado
na kaya nga umiyak eh. And then ang sabi ko, “Okay lang. Do not worry, we will
reinvent you parang bagong tao.” And everything is not lost.
So iyan lang ang maiwan ko…Pardon my language ganun talaga
ako lalo na kapag galit ako. May dala-dala kasi akong sama ng loob sa nangyari
ngayon. Simply too many ang mga niloko nitong mga ito kaya ako mainit. Talagang
galit ako.
Kaya iyong mga tao diyan, you are better off hiding or ---
hahabulin ko talaga kayo. Kung hindi kita nakita pasukin ko ang bahay mo, iyan
apat ang patay. Good. Hayaan mo ‘yan, papeles, papeles. Papeles lang kung
tarong ka na tao pero kung...You know, ’pag hindi mo sinunod, hindi rin ako
magsunod. Bakit ako lang pasunurin? Ano ito one way? Wala akong pakialam sa
iyo.
Sige sigaw lang kayo. I would not worry. When the time comes
I will go to prison. Siyempre utak ‘yan. Preso nga 77? By that time --- malaman
mo ‘yan, alam mo ano? Pagka wala na, pag magkatabi ka diyan sa sine ganun,
nakalima na lang ang labas dito nandoon pa tayo tapos magsige kurog-kurog,
panahon na talaga na you go out.
When the time comes, I am willingly go to prison. I will
answer, I will answer personal and official. So everybody works, no fear,
nothing to worry except his duty tapos ang mandate niya magawa niya and then we
are happy. When it comes, it will come. We are happy to die for our country.
Iyon lang naman…
That’s the essence of our existence. We have a purpose
pagkatapos niyan, we are ready to go. Ganun lang ‘yan. So, okay na tayo. Sa
panahon ko, okay na ang samahan natin.
Okay na ang Pilipino, protektado iyan.
But I have to walk the extra mile. Hayaan mo lang ako,
hayaan niyo lang ako na magdaldal because I have to do this because I have to
say it in public the right of the people to be informed.
Maraming salamat po.
http://www.pna.gov.ph/index.php?idn=1&sid=&nid=1&rid=911204
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.