Saturday, August 6, 2016

Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his visit to 3rd infantry (spearhead) division, PA, Camp Gen. Macario B. Peralta, JR, Jamindan, Capiz

From the Philippine News Agency (Aug 6): Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his visit to 3rd infantry (spearhead) division, PA, Camp Gen. Macario B. Peralta, JR, Jamindan, Capiz

Secretary Delfin Lorenzana; Secretary Michael Dino, Presidential Assistant; General; Visaya; Lt. Gen. Edgardo Año, General Harold Cabreros, galing lang siya sa akin, kaalis lang; [inaudible]; Undersecretary Arthur Tabaquero, Undersecretary Cesar Yano; to ‘yung mga tropa at mga kaibigan.

Can you just give the tikas pahinga? Just relax.

I was at your hospital the other night. And I saw several things that government could contribute more to the help and the recuperation of the soldiers.

Nag-commit ako ng Barrett, it’s a Barrett thing, it’s a parang air chamber high pressure. ‘Yung ginagamit ng mga divers na pagka-magkaroon sila ng — ‘Yung si high pressure it is good. I hope you would not have to use it yourself. It is good for itong matagal sa field na hindi ma-extract kaagad. And magkaroon ng signs of infection, severe, gangrene.

Pag umabot ka lang doon and they start the machine on you, you have a better survival of retaining every part of your body. Walang, no extremities. Then you’ll have the MRI, a new one. At meron pa akong dalawa: Gamma ray, x-ray na beam lang, laser na ita-target lang nila doon mismo sa may doon banda na kailangan and things because I want you to be well protected, well taken care of, well motivated and the will to fight.

Gusto ko na meron tayong — Papunta ako rito, I was informed that we lost maybe — I do not know if it’s a CAFGU but nevertheless the same, may tatlo tayong patay sa Monkayo, Davao del Norte, pati 10 wounded.

I don’t know if I have to go to where they are now. But for sure ‘yung iba nandiyan pa sa siyudad ng Davao. Anyway, I’ll be going back there.

Gusto ko lang malaman ninyo na at least in my time, lahat ng kailangan ninyo. Lahat ng kailangan ninyo na to fight the enemies of the state to be on the advantage sa equipments. May plano kaming lahat ibigay but I do not think I have… Siguro ayaw ni Secretary na isabi sa inyo, kanya na lang ninyo. We’ll acquire so many things.

At ‘nong si Kerry pumunta dito. Nakipag-areglo kasi sa akin. May alitan kami ng mga Amerikano eh. He left me with 32 million.

Sabi niya: I have the 32 million. Nandiyan si Delfin. Sabi niya: You can use it. So, 32 million dollars. Hatiin ko ‘yan sa inyo sa police but we are doing well with the air equipment somewhere in Jolo or… Ayaw kong mag-ano dito kasi baka not for public use.

Meron tayong mga equipments that okay gamitin natin doon. Tingin ko itong, ‘yung inyong share. Ibili natin ng mga… lahat ‘yan para magamit ninyo, and the other things. But let me just say this… The clouds are going down, low na ang ceiling. I have to take off soon.

Ano ba ‘yung sabihin ko sa’yo na— In, just in case talagang we’ll have terrorism but just about… Prepare for that two to three years from now. ‘Yung ISIS pati ‘yung style of you know. Because we have to deal with the Abu Sayyaf one of these days.

When we are prepared here, when I think that [inaudible] already in my hands. The things that I would need to fight a war correctly and accurately, we will have to go there and fight. But before that, kailangan ko ‘yung mga bagay-bagay na to give you an edge. I will not order you to fight na disadvantaged.

When I feel that in that area and even the terrain would make it hard for us to win the battle, not the war, we’ll always win the war. Gobyerno tayo eh.

But when I feel that it would result in a considerable loss, I would just bide my time. Only when we are ready, and we shall have acquired the equipments and I will buy it for you; only when I think that we are on the advantage, theoretically nasa taas tayo, kung baga sa ano ito, nandoon na tayo sa high ground, with the weapons, with the assets, papasok tayo.

We have to end this mindless thing of brutalism and ISIS ‘yan eh. At tsaka ‘yang ISIS wala na ‘yang partido, walang ideology. Wala na ‘yan. Basta‘yan lang ang kanilang gusto, patay.

Just like sinabi ko kay… itong si Sison. Mag-bula-bula ang baba. ‘Yung laway niya lumulusot doon sa screen. Basa ‘yung mukha mo. Akala mo naman sinong mag-salita. Ni hindi nga sila makahawak ni isang barangay anywhere… ambush style—

Then hindi sila manalo ng elections, sa Davao, kung hindi sila magsakay sa aking partido, walang manalo doon. It’s only in Davao na may Left na maraming official. Eh dahil nga sa akin eh. Eh ako naman pinapanalo ko, kasi wala akong problema sa— In exchange, sabi ko umalis kayo. Pareho lang man tayo rin.

Itong mga komunista, akala mo kung magsalita, they are a force to reckon with. When as a matter of fact, I said they could not even occupy a barangay a single day.

So kung sila lang rin, but because they are the ones in the position in the mountain, they have the advantage ‘yung mga ambush ambush. But hindi man nila tayo maubos. At one day, meron tayong equipments, maski pintik na lang dalhin ninyo. Patay ‘yan. Bato na lang gamitin niyo sa mga hambogero. Nayayabang kasi ako kay… as if they are really the one in power.

But one thing, you can be sure of. Hindi ko kayo iwanan. Kasi the machines that are there, if bought immediately— Ayaw ko ng buwanan. Araw lang ako.

May bagong building kayo. Kung nandoon kayo sa AFP, parang gusto mo na rin magpahinga-hinga muna. Magandang… parang hotel. Ang ospital parang hotel. Tsaka may mag-silbi sa inyo maganda mga babae, naka-shorts. [laughter] Para… lahat man ng ano ko doon. Lahat ang puntahan ko doon, bulls eye. Tinamaan. Inabutan. Pero sabi ko I’ll take care of them.

Nga pala, I sent them… Lahat ‘yung naka-wheel chair, start, because I’ll send you to school. Sabi ko balik kayo sa AB. Pa-eskwelahin ko kayo lahat.

Learn English, voice and diction tapos improve on your grammar na rin. Ipasok ko kayo sa call centers. ‘Yung talagang medyo ano na. Nakakaawa eh. Sabi ko hindi kayo papabayaan.

Tapos ‘yang isang medyo tinamaan ‘yung mata. Sabi ko: ‘Wag ka mag-alala ‘adre, bigyan kita ng babae araw-araw. Para hindi kamanghinayang sa... hindi sa buhay.’

Eh kung wala ka na… eh ‘di pukpok ka nang pukpok.

But I know I said I will not abandon you. You can be sure that you will have… And I’m working on a ‘yung edukasyon ng pamilya ninyo, libre na. Nearest school to your residence. Para ang bata hindi na— [applause]

Proposal ko. Hintay lang kayo, mga this year. Kindergarten to high school. College, scholarship tayo. ‘Yung mga bright. Magsigi pala ako bayad maski bugoy, mag-hithit pa ng… ‘yun talagang deserving lang. Pero ‘yung hanggang high school, mag-graduate, college scholarship. If they maintain a certain standard na maka-enroll sila, walang problema.

I’m not asking for 95, 95. Iskolar ko ‘yung… kasi may iba bugoy eh, kagaya ninyo. Sundalo na lang kaya ayaw na mag-aral. O, eh gusto, binugoy. Kung hindi na talaga ‘yung gustong mag-ano, mag-aral, you need not really be scholars if based on the highest grades. Basta tamang-tama lang. Nearest school para sa mga bata sa high school then sa scholarship, mamili na. And well of course, ‘yung other benefits na kung sakaling malasin tayo.

You know, in this life, hindi natin mahingi ngayon ano ang swerte natin. Just develop the game of survival, huwag kayo magpauna at kung matamaan ‘yung hindi pala enemy, ay sabihin lang, “Mayor nagkamali ako. [Speaks Bisaya] Kasi may uyab ‘yan mayor eh. Galit ako diyan. May teacher doon sa barangay. Liniliwagan din niya. [Speaks Bisaya] Ang mga maestro mag-sige man. [Speaks Bisaya]

Alamin mo muna kung may asawa. Wala. Sabi ko kumpyansa ka… pati pulis. [Speaks Bisaya] Mga ‘chick boy’ na pulis. Army, wala masyado [applause]. [Speaks Bisaya]

And even ‘yung sa corruption kasi malayo kayo sa temptasyon. I had a problem with the police diyan sa droga but this will continue. There will be no let-up until we have destroyed the apparatus of the drug front.

Ang kanilang mga amo nasa China. They operate in a digital map real time. Hulog mo diyan sa Pandacan, kunin mo ang pera doon sa Tondo.

Kaya sabi na: “Saan ‘yung big fish? Saan ‘yung boss na bilyonaryo?” Wala ‘yan dito. Ang mga tinyente lang ang nandiyan.

Ang hinuhulog ng mga tinyente, tawag niyan “basura.” That’s about it kaya hirap tayo.

Now there are about 600 confirmed addicts. Kaya I’ve ordered you to provide the space. Kayo kasi ang malalaki riyan. Hindi naman malalaki, isang kanto lang, barbed wire high. They are, they will go… undergo rehab. Pero one year of use of shabu, wala na ‘yan because the brain by then shall have shrunk, liliit ‘yan. So loko-loko na talaga ‘yan forever.

So ‘yung maiwan nang ganon, hindi naman lahat ng panahon kunin ko ‘yung kampo ninyo. [Speaks Bisaya] ‘Yung latter, ilalayo ko na talaga because they pose a danger to society and there could be hundreds of them. I have to relocate them in an island. Ilagay mo ‘yan diyan sa mga ganitong gym gym. Mamaya when the [inaudible] it’s a monkey on your back. Parang may unggoy na karas-karas diyan sa likod mo ‘yang and when the urge, the need to have it fixed, ayan nagkakaproblema na.

So maraming hold-up, nakaw, patay. Pag bangag, sira ulo, rape bata, babae, matanda. Pati ‘yung nanay ginahasa kasi demonyo. So it has really… kaya ako maski anong sinasabi nilang patay, it will go on until… lahat ‘yan sila, belong to the apparatus eh.

Kung wala nang galing sa China, mag-tawag pero wala nang mag-salubong doon sa stock, wala nang mag-distribute, then at least we are a little bit free and comfortable.

So nauna ako dito, wala pa raw presidente na nakaabot dito. Ay sabi ko: Bakit si Harold nagpa-assign doon? Marami sigurong magaganda doon. Kasi sa Davao marami siyang palaging kausap, magaganda doon kay pastor. Nakita niyo ang singer ni pastor? Best friend niya ‘yan si… Oo. ‘Yung sa program, ‘yung mga singer napanuod ninyo sa TV? Ewan ko lang kung anong nagawa ni Harold dito basta, doon siguro ‘yan sa magaganda rin… pero kitang-kita ko, wala naman akong—

Hindi na ako magtagal kasi maabutan ako ng low ceiling. Eh kung mabanggga ‘yang helicopter ko, no more kayo. [laughter]. Doon kayo sa babae, hala kayo, bahala kayo diyan. [laughter]

So I’m happy that you have this fire in your belly to serve the country. Lahat tayo. At I said nandiyan ako all this time. Hindi lang ninyo ako kilala pero tanong ninyo ‘yung mga pulis. There was never a time na iniwan ko ‘yang pulis.

Pag magka-kaso, lahat, pag ka ayaw magpa-areglo ng kaso, patayin, parang lahat na. Salvage dito, salvage doon. Because when I became mayor, I said: “If you are a criminal, if you are a drug addict… get out of my city because I will kill you.”

And that brought me to the human rights. Wala akong pakialam diyan sa ano. Sabi ko: I have a problem to solve. I must first solve the problems of the country. Tutal kung makulong, ako naman rin. Eh kulong, ako 71 years old na ko. Ang sabi ng Revised Penal Code, pagdating ng 70, i-release ka na. [laughter].

Seventy-one ako mag-Presidente, mag-order ako ng patay, you cannot arrest me, may immunity ako. At I have this pardoning power, i-pardon kita, pag inutusan kita. Wala silang laban. Ngayon pagbaba ko, pwede idemanda ako. Buksan niyo ang Revised Penal Code:

“All persons upon reaching the age…” mandatory ilabas. 71 na ako. Pagkatapos ko Presidente, 77. Saan mo ko ilagay? O ‘di wala naman.

So, in all of the things that you do upon orders of your commanders, in the performance of your duty, do it.

Huwag kayong matakot ng kaso. Meron ‘yan pero… I will see to it that nobody goes to prison just exactly for doing your duty. Kasi kung magkamali sila, pardon. The President can grant pardon — absolute or conditional.

Ang Presidente, hindi mo ma-demanda. O sige, larga tayo. Giyera? Sige, patayin mo lahat ‘yan… “Sir, may kaso kami.” Pardon. Ganoon kakapal, good for one battalion. “Fill in the blank, pirmado ko na. Lagay mo pangalan mo, punta mo doon sa Ombudsman.” “Yes, sir.”

Tapos another order: “Restore to his former position but this time after 30 days, promotion.” Diretso from sergeant to general, wala na ‘yang— [applause]

Eh anong kalokohan— But that is just to emphasize to you na biro na ganoon ka, ako mag-tindi mag-depensa ng tao ko. Utusan mo tapos iwanan mo?

Karamihan sa Davao na mga Army na ano, magtakbo-takbo pa na demanda, lapit sa akin. Ako magbigay ng abogado.

Pero ako, ‘nong piskal ako 10 years ago, lahat ng ginawa ng sundalo, pulis, connect — tanungin mo nga si — Connected sa performance of duty. Bagsak talaga ‘yang kaso na ‘yan. Ngayong Presidente ako, bagsak sila lalo, tigas tayo. Sundalo ng Pilipinas, minsan tigas ulo.

Salamat.

http://www.pna.gov.ph/index.php?idn=1&sid=&nid=1&rid=911127

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.