Thursday, June 16, 2016

2 dinukot na estudyante, pinalaya na

From the Mindanao Examiner (Jun 16): 2 dinukot na estudyante, pinalaya na (Two kidnapped students, freed)
 
Pinalaya ng mga kidnappers ngayon Huwebes ang 2 estudyante matapos ng halos dalawang linggong pagkakabihag sa kanila sa Lanao el Norte province.

Iniharap naman ng National Bureau of Investigation at pulisya ang dalawa na sina Berzon Rey Paeste at Cid Rick Jamias na parehong estudyante ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology.

Nabawi umano sila ng mga awtoridad, ngunit limitado naman ang impormasyon ukol sa grupong dumukot sa dalawa noon June 4. Kasama sila sa 6 na hinila ng mga armado sa bayan ng Linamon sa Lanao del Norte.

Naunang pinalaya noon June 6 ang sina Eloisa Lacson, Hannah Yurong, Juhary Gubat at Kevin Limpin, subali’t naiwan ang dalawa sa hindi malamang kadahilan. Patungo sana sa bayan ng Lala sa Lanao at Pagadian City sa Zamboanga del Sur ang mga estudyante sakay ng kanilang van ng sila ay maharang sa highway.

Piniringan diumano ang kanilang mga mata habang tinatanong ng mga armado kung ano ang trabaho ng kanilang mga magulang habang bumabaybay at sa bayan ng Bacolod at Munai sila itinago.

Nabatid na binigyan pa ng pamahasahe ng mga kidnappers ang 4 estudyanteng pinalaya. Hindi naman sinabi ng mga awtoridad kung nagbayad ng ransom ang mga magulang ng 6 biktima. Walang umako sa kidnapping, ngunit lugar umano ng Moro Islamic Liberation Front ang nasabing lalawigan.

http://mindanaoexaminer.com/2-dinukot-na-estudyante-pinalaya-na/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.