Thursday, June 16, 2016

4 Malaysians dinukot sa Sabah?

From the Mindanao Examiner (Jun 16): 4 Malaysians dinukot sa Sabah? (4 abducted Malaysians in Sabah?

Inaalam ngayon ng Malaysia ang balitang 4 na mga nationals nito ang napaulat na dinukot sa Sabah na kalapit lamang ng Tawi-Tawi, isa sa 5 lalawigan ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sinabi ni Malaysian Police Inspecor-General Tan Sri Khalid Abu Bakar na wala pa silang kumpirmasyon sa naganap, ngunit patuloy naman ang pagsisikap nito na makakuha ng impormasyon sa panibagong problema.

Posibleng Abu Sayyaf ang may gawa nito, ayon sa mga ulat, subali’t maging si Sabah Police Commissioner Datuk Rashid Harun ay nagsabing wala silang ulat ukol dito. Ayon sa balita, dinala sa Tawi-Tawi ang mga biktima at saka inilipat sa Sulu.

Isinara na ng Sabah ang border nito sa Pilipinas dahil sa sunod-sunod na kidnappings ng Abu Sayyaf doon. Ipinagbawal na rin ng Malaysia ang lahat ng trading activities sa Sabah at Tawi-Tawi. Pumutok ang balita halos 3 araw matapos na pugutan ng ulo ng Abu Sayyaf si Canadian Robert Hall sa lalawigan ng Sulu. Wala naman kumpirmasyon ang Western Mindanao Command sa pangyayari at nagpapaimbestiga na rin ito. Wala rin pahayag ang pulisya sa ARMM.

http://mindanaoexaminer.com/4-malaysians-dinukot-sa-sabah/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.