President Benigno S. Aquino III on Wednesday recognized the
exemplary leadership of outgoing Philippine Air Force (PAF) Chief, Lt. Gen.
Jeffrey Delgado, during the change of command ceremony at the Fernando Air Base
in Lipa City , Batangas.
Delgado, a member of the Philippine Military Academy (PMA)
“Sandigan” Class of 1982, stepped down from his position ahead of his mandatory
retirement on March 20.
“Sa araw pong ito, kinikilala natin ang huwarang liderato ni
Lt. Gen. Jeffrey Delgado sa inyong hukbo. Panahon pa ng aking ina,
nagpakitang-gilas na si Lt. Gen. Delgado bilang miyembro ng Presidential
Security Group.
Nang maitalaga naman natin siya noong 2014 bilang inyong
Commanding General, at hanggang sa mga sandaling ito, bitbit niya ang talas ng
isip, di-matatawarang kakayahan, at ang kanyang angking husay bilang kawal, at
bilang inyong hepe,” President Aquino said in his speech.
“Ang sabi nga sa akin ng kanyang mga kasamahan: Ito raw pong
si Lt. Gen. Delgado, hindi lang isang mahusay na pinuno, kundi isa ring
‘barkada ng bayan’: maalaga sa tao, at kung may problema ka, tungkol man sa
serbisyo o kahit pa personal na buhay, ay talagang napakadaling lapitan.
"Kaya naman kay Lt. Gen. Jeffrey Delgado: Sa ngalan ng
bawat kawal ng Hukbong Panghimpapawid, saludo, at nagpapasalamat ako sa halos
dalawang taon mong matibay na liderato sa hanay na ito.”
Delgado was replaced by Armed Forces of the Philippines
(AFP) Deputy Chief of Staff, Lt. Gen. Edgar Fallorina, who belonged to PMA
“Matikas” Class of 1983.
President Aquino said Fallorina was chosen for his vast
knowledge and experience in service.
“Tulad noon, malawak na kaalaman at karanasan din sa
serbisyo ang naging batayan natin sa pagpili kay Lt. Gen. Edgar Fallorina. Sa
serbisyo, kilala si Lt. Gen. Fallorina sa kanyang ‘attention to detail’... Ang
kanyang prinsipyo: Maikintal sa puso’t isip ng bawat kawani, kawal o opisyal,
ang halaga ng paggawa ng tama sa bawat pagkakataon at sa bawat antas ng
institusyon,” he said.
“Sinasalamin ng disiplinang ito ang prinsipyo niyang laging
maging ‘one step ahead’. Sa simpleng meeting man, o sa mismong operasyon,
parati siyang handa at may tangan na datos, kaya’t nagagawa niya ang anumang
layunin o misyon nang mabilis, wasto, at maayos. Ang katangian namang ito,
pihadong magiging kapaki-pakinabang sa layunin nating maihakbang pasulong ang
ating Hukbong Himpapawid.”
“Ang tiwala namang kaloob natin sa inyong bagong pinuno,
kailangan niyang matapatan ng karampatang paglilingkod. Kaya kay Lt. Gen. Edgar
Fallorina: Kaharap mo ngayon ang magigiting na kawal ng Hukbong Panghimpapawid
ng Pilipinas. Ang marching orders mo: Maging gabay ka sa mas matayog pang lipad
ng ating Air Force, kasabay ng pagpapanatili ng kultura ng malasakit, dangal,
at propesyunalismo sa buong hukbo,” the President added.
President Aquino also mentioned that the government has
allocated P58.43 billion for the AFP Modernization and Capability Upgrade
Program since July 2010.
“Malayo yan sa P31.75 billion na nailaan ng tatlong
nakaraang administrasyon para sa unipormadong hanay. Sa ilalim din ng parehong
programa, umabot na sa 68 proyekto ang ating nakumpleto, na lampas na rin sa 45
na pinagsamang natapos ng tatlong administrasyong bago sa atin,” he said.
“Ngayon, ang dating nag-iisang C-130, tatlo na po; meron na
rin tayong tatlong C-295 medium-lift aircraft, at labingwalong SF-260TP
aircraft. Dagdag pa rito ang walong Bell-412 combat utility helicopters, at
walong AW-109E attack helicopters. Bukod sa nabanggit kong dalawang bagong
lead-in fighter jets, nakapila na rin ang pagdating ng dalawa pang C-130
ngayong taon; pati na ang pag-arkila natin mula sa Japan ng limang TC-90
training aircraft, na tutulong naman sa ating Hukbong Dagat sa pagpapatrolya sa
ating teritoryo, partikular na sa West Philippine Sea.”
The Chief Executive further noted that six Close Air Support
Aircraft and two Long Range Patrol Aircraft are scheduled to arrive next year.
“Sa paparating namang sampu pang FA-50, dalawa ang lalapag
sa atin sa Disyembre ng kasalukuyang taon, at ang walo pa, inaasahan nating
susunod sa 2017. Lahat naman ng mga dagdag na kagamitang ito, bahagi lamang ng
ating PAF Flight Plan 2028, na layong paunlarin ang kakayahan ng Air Force na
bantayan ang ating teritoryo,” he said.
“Sama-sama nating pangalagaan ito; gamitin ninyo ito sa tamang
panahon at tumpak na layunin. Isabuhay ninyo ang pagiging responsable at
propesyunal na kawal. Magtulungan tayo upang maparami pa ang ating mga
makabagong kagamitan, at sa gayon ay lalong mapatatag ang ating Sandatahang
Lakas,” the President added.
Aside from the equipment upgrade, President Aquino also
mentioned government initiatives that have benefited the servicemen and their
families.
“Pati ang iba pang pangangailangan ng ating unipormadong
hanay, tinutugunan na rin natin. Para sa ating AFP/PNP Housing Program, mula
Mayo ng 2011 hanggang Disyembre ng 2015, umabot na sa 61,378 housing units ang
naipatayo natin. 25 percent po ng AFP allocation diyan ang nailaan para sa
ating Hukbong Himpapawid,” he said.
The President further cited the increase in subsistence
allowance and monthly hazard pay; provisional allowance for soldiers, policemen
and other uniformed service; monthly combat pay for soldiers in battlefield and
livelihood programs for active and retired soldiers.
“Tunay po: Katuwang na ng ating Sandatahang Lakas ang isang
administrasyong hindi lang nangangahas mangarap, kundi tunay nang tinutupad ang
pinakamatatayog nating pangarap. Sa dulo naman ng lahat ng ito: Naging posible
ang paghahatid natin ng positibong pagbabago sa inyong hanay, dahil sa inyong
dedikasyon at propesyunalismo. Sa inyong wagas ang sakripisyo at pagmamalasakit
sa ating bayan, walang ibang isusukli ang estado kundi malasakit din sa inyo at
sa inyong mga pamilya,” President Aquino added.
Also present were Defense Secretary Voltaire Gazmin and AFP
Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.