Monday, March 16, 2015

Mga dating rebeldeng NPA pagkakalooban ng CLIP assistance

From the Philippine Information Agency (Mar 16): Mga dating rebeldeng NPA pagkakalooban ng CLIP assistance

Nakatakdang tumaggap ng tulong ang mga “rebel returnees” na sumuko kamakailan lamang sa pamahalaan sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP).

Kamakailan, 11 na mga rebeldebf New People’s Army (NPA) ang sumuko na matapos ang isang bakbakan sa pagitan ng 73rd Infantry Battalion ng Army at Guerilla Front 71 noong ika-16 ng Pebrero sa So Tugal, Barangay Datal Anggas, Alabel, Sarangani.

 “Simula noong engkwentro ay 11 na silang lahat ang sumuko at inaasahan naming na marami pang sumunod upang makapag-avail ng Comprehensive Local Integration Program,” ayon kay Capt. Rey Balibagoso, civil military officer ng 1002nd Brigade.

Ang bakbakan ay nagresulta sa pagkamatay ng pitong rebelde at pagrekober ng mga mapanirang dokumento laban sa pamahalaan.

Isa si NPA leader Tolentino Bariquit alias Kumander Brigol sa mga namatay sa nasabing engkwentro. Wala naman aniyang namatay sa panig ng gobyerno.
Sa ngayon pansamantalang pinagkalooban ang mga returnees ng short-term “food assistance.

Sa ilalim ng CLIP, ang mga returnees ay makakakuha ng socio-economic assistance gaya ng proyektong pangkabuhayan upang matulungan silang makapagsimula ng bagong buhay kasama ang kanilang mga pamilya.

Ang CLIP ay isinakatuparan sa pamamagitan ng Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2014-01 na inilabas ng Department of Interior and Local Government at ng Office of the Presidential Assistant on the Peace Process (DILG-OPAPP).

Nilalayon nitong hikayatin ang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines, NPA, at National Democratic Front na isuko ang kanilang mga armas at sumali sa lipunan.

Ang mga returnees ay pawang mula sa tribong Tagakaulo, isang indigenous people (IP) na kadalasang natatagpuan sa Malungon, Sarangani.

Sila ay iprenisenta rin kay Gov. Steve Chiongbian Solon, committee chair ng CLIP sa probinsya.

Gagantimpalaan ang mga nasabing returnees ng CLIP assistance ngayong ika-19 ng Marso.

http://news.pia.gov.ph/article/view/1671426490351/tagalog-news-mga-dating-rebeldeng-npa-pagkakalooban-ng-clip-assistance

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.