Monday, January 5, 2015

Bata patay sa crossfire sa Maguindanao

From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Jan 6): Bata patay sa crossfire sa Maguindanao (Child killed in crossfire in Maguindanao)

MAGUINDANAO – Mistulang ‘Wild, Wild West’ na ang Maguindanao, isa sa 5 lalawigan ng magulong Muslim autonomous region sa Mindanao – dahil sa walang humpay na kaguluhan doon dulot ng sagupaan sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo, at banatan ng mga warring political clan.

Sa kabila ng paghihigpit ng militar at pulisya ay patuloy pa rin ang karahasan at tigib sa takot ang mga sibilyan dahil sa pangambang madamay sila sa gulo. At nitong Enero 5 lamang, isang batang babae ang nasawi matapos itong maipit sa labanan sa pagitan ng mga parak at isang kilabot na lalaking wanted sa kasong pagpatay.

Aarestuhin sana ng pulisya si Kadar Dagadas sa isang bahay sa Barangay Gumagandon sa bayan ng Parang ng ratratin nito ang mga parak kung kaya’t nagkaroon ng sagupaan. Napatay umano ang bata matapos na paulanan ng bala ng mga parak ang lugar kung saan nagtatago umano si Kadar, ngunit bigo naman ang pulisya na madakip ito.

Magsasampa umano ng kaso ang pamilya ng bata laban sa mga parak.

Ilang beses na rin umatake ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao at target nito ang mga sundalo naka-destino doon. Maraming bomba na rin ang pinasabog ng rebelde grupo sa naturang lalawigan na kilalang kuta ng BIFF.

http://www.mindanaoexaminer.net/2015/01/bata-patay-sa-crossfire-sa-maguindanao.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.