From the Philippine Information Agency (Dec 16): OPAPP namahagi ng study grant at Philhealth membership sa MNLF beneficiaries
MIDSAYAP, North Cotabato, Dis 16 (PIA) -- Pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang pamamahagi ng education and health support services para sa pamilya ng mga dating kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Distrito Uno ng North Cotabato.
Ginanap ang awarding ceremony sa Kapayapaan Hall ng tanggapan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalansa Midsayap, North Cotabato nitong nakaraang Sabado, ika- 13 ng Disyembre.
Kabilang sa ipinamahagi ang study grant notice mula sa Commission on Higher Education na ibinigay sa sampung iskolars. Nabatid na nag- aaral sa ilang state universities sa North Cotabato, Cotabato City at Maguindanao ang mga benepisyaryo ng nasabing study grant.
Nagsagawa rin ng orientation ang mga kinatawan ng PhilHealth sa mga identified beneficiaries kung saan inilatag ang mga serbisyong medikal na maaring pakinabangan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Primary Care Benefit Package ng PhilHealt.
Sinabi ni OPAPP Central Mindanao Area Manager Jhoniel Raneses na ang education and health support services na ito ay bahagi ng kanilang mga aksyon na maipaabot sa conflict affected areas ang mga serbisyo ng gobyerno.
Nilinaw rin ni Raneses na ang OPAPP ay facilitator lamang ng programa at hindi implementing agency.Nakikipag- ugnayan umano sila sa iba’t- ibang ahensya ng gobyerno upang masigurong matututukan ang implementasyon ng basic services na ito sa conflict affected areas.
http://news.pia.gov.ph/article/view/2411418700522/tagalog-news-opapp-namahagi-ng-study-grant-at-philhealth-membership-sa-mnlf-beneficiaries
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.