NPA statement posted to the CPP Website (Dec 14): Manindigang tupdin ang batas sa karapatang pantao at wastong kondukta sa digmaan, kondenahin ang pamamaslang ng 31st Infantry Batallion laban sa mga sibilyan (Stand in support of human rights and the proper conduct of the war, denounce the killing of civilians by the 31st Infantry Battalion)
Mariing kinokondena ng Celso Minguez Command ang walang pakundangan pagpatay sa sibilyan ng 31st Infantry Batallion Philippine Army sa ilalim ng liderato ng 903rd Infantry Batallion, Philippine Army. Nauulol sa pagkapikon sa dinanas na pagkatalo sa magkakasunod na labanan ang 31st IBPA kaya pinagbabalingan ang mga sibilyan na mga pawang mga non-combatants. Kaalinsabay nito, layon nilang makapaghasik ng teror sa sibilyan sa pagsasagawa ng mga serye ng pamamaslang o extra judicial killing (ejk) para ibintang at sirain ang imahe ng Bagong Hukbong Bayan.
Ang saywar na langkap ng Oplan Bayanihan na isinasagawa ng Peace and Development Team (PDT) na nagmamarali ng kabutihan at kaunlaran na iniimbwelto ang mga lokal na yunit at ahensya ng gobyerno para palabasin na suportado ito ng iba-ibang sektor ay hinubaran ng katotohanang hungkag at kaguluhan lamang ang dulot sa mga baranggay. Ipinamalas ng 31st IBPA ang kawalan ng pagtupad sa etika o code of ethics sa paggamit ng media at desperadong linya ng mga pahayag ng 903rd Infantry Brigade. Nagdidileryo ang mga deklarasyon ng 31st IBPA sa pagsasabing ang kanilang mga napapangasawa, nagiging kabit o karelasyon na kababaihan sa baryo na nakuha ang loob kung hindi man sa panlilinlang ay gamit sa paniktik ng Bagong Hukbong Bayan.
Sa pinakahuling krimen ng pamamaslang sa loob lamang ng dalawang (2) linggong sa buwan ng Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao ay nagtala agad ng panimulang rekord ng apat (4) na kaso ng pamamaslang sa iba-ibang desenyo ng operasyong saywar.
Disyembre 4, 2014 alas-5:00 ng hapon dinukot si Samuel Dollesin na taga-brgy Lapinig, Gubat, Sorsogon sa katabing baranggay ng Sogod, Bacon District, Sorsogon City. Marami ang saksi sa presensya ng operasyon ng Philippine Army sa lugar at sa mismong pantoturtyur ng mga lasing na sundalo sa biktimang si Dollesin. Matapos ang ilang araw na paghahanap ng pamilya sa tulong ng mga tagapagtaguyod sa karapatang pantao natagpuan itong nakalibing sa isang hukay sa nasabing baryo noong Disyembre 8, 2014.
Disyembre 8, 2014 ng gabi pinagbabaril naman si Boyet De la Cruz, 23 taong gulang sa brgy Abuyog, Sorsogon City habang naka-duty ito bilang tanod sa nasabing baranggay. Nadamay pa sa sinasabing pamamaril ang babaeng nagngangalang Marie Hagus, 50 taong gulang na nakatira sa malapit sa pinagyarihan ng krimen.
Disyembre 12, 2014 binaril naman si Susan Limicerio Cagalitan, 60 taong gulang sa kanyang bahay sa baranggay bugtong, Barcelona, Sorsogon. Alas-11:00 ng gabi kumatok sa kanilang pintuan ang mga salarin at nagkaroon ng 20 minuto pagtatalo hinggil sa kanyang asawang matagal ng hiwalay sa pamilya. Wala sa katotohanan pinaghinalaang nila itong kasapi ng NPA at pinagbibintangang may kaalaman ito sa pangyayaring ambus ng tropa ng CMC-NPA Sorsogon na naganap na malapit sa kanilang bahay.
Disyembre 14, 2014 pinagbabaril si Anacleto Laceda ng brgy Sta Cruz, Casiguran, Sorsogon sa brgy Balogo, Sorsogon City habang ito ay naglalakad pauwi sa pansamantalang tinutulayan nito sa nasabing baranggay nang wala pang klarong dahilan sa ngayon kundi nangyari ito sa malapit sa checkpoint ng PNP.
Saksi ang pamilya ng mga biktimang sibilyang ito, sa lansakang paglabag ng 31st IBPA sa karapatang pantao at paglabag sa batas ng kondukta ng digma. Ang ipinagmamarali nilang ilang kaso ng mabuting pagtrato sa NPA na nahuli mula sa maraming kaso ng paglabag ay dulot ng pagkakadepensiba sa propaganda.
Dulot ito ng aktibong pagtupad ng ahensya sa karapatang pantao,opisyal ng mga yunit sa lokal na gobyerno, institusyon ng hudikatura, media at mamamayang Sorsogueno na matagal nang malakas ang tindig sa pagkilala sa karapatang pantao.
Nananawagan po muli ang Celso Minguez Command (CMC) ng Bagong Hukbong Bayan sa mamamayan ng Sorsogon at buong samabayan na ipagpatuloy natin ang tradisyon na manindigan sa karapatan, katarungan at kapakanan ng ating mamamayan.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20141214_manindigang-tupdin-ang-batas-sa-karapatang-pantao-at-wastong-kondukta-sa-digmaan-kondenahin-ang-pamamaslang-ng-31st-infantry-batallion-laban-sa-mga-sibilyan
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.