Friday, November 7, 2014

CPP/Ang Bayan: Tagapagtaguyod ng karapatang-tao, binantaan at hinaras ng military

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Nov 7): Tagapagtaguyod ng karapatang-tao, binantaan at hinaras ng military (Human rights advocates, threatened and harassed by the military)

Binantaan at hinaras ng militar ang isang tagapagtaguyod ng karapatang-tao sa Sorsogon. Si Arlene Funelas, myembro ng Sorsogon People’s Organization, isang grupong kaanib ng KARAPATAN, ay ipinatawag noong Oktubre 30 sa barangay hall ng Togawe sa bayan ng Gubat dahil may gusto raw kumausap sa kanya.

Pagdating niya roon ay agad isinara ang pinto ng mga sundalong naghihintay sa kanya. Halos dalawang oras siyang ininterogeyt at inakusahang kolektor ng buwis para sa Bagong Hukbong Bayan. Binantaan siyang may masamang mangyayari sa kanyang mga anak kung hindi siya makikipagtulungan sa militar. Pinagrereport din siya araw-araw sa himpilan ng mga sundalo hangga’t nakahimpil ang militar sa kanilang barangay at pinatawan din siya ng curfew.

Dumulog siya sa mga upisyal ng bayan ng Gubat upang matigil na ang paglabag sa karapatang-tao niya at ng kanyang mga kabarangay.

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20141107/tagapagtaguyod-ng-karapatang-tao-binantaan-at-hinaras-ng-militar

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.