Friday, November 7, 2014

CPP/Ang Bayan: 5 sundalo, patay sa Albay at Bukidnon

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Nov 7): 5 sundalo, patay sa Albay at Bukidnon (5 soldiers killed in Albay and Bukidnon)

Limang sundalo ang napatay sa iba’t ibang atake ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga tropang militar sa Albay at Bukidnon nitong Oktubre at Nobyembre.

Sa Albay, dalawang sundalo ng 2nd IB ang napatay nang ambusin sila ng mga Pulang mandirigma ng Santos Binamera Command sa Barangay Anislag, Daraga at harasin din ang tactical command post ng naturang batalyon sa Barangay Maopi, Daraga. Samantala, sa isla ng Burias sa Claveria, Masbate, isang elemento ng 5th Regional Public Safety Battalion ng PNP ang nasugatan nang paputukan ng Jose Rapsing Command ng BHB ang security patrol ng pinagsanib na tropa ng AFP at pulisya.

Naisagawa ang mga aksyong militar na ito kahit tadtad ng mga detatsment at kampo militar ang Albay, at pitong buwan nang nakapailalim sa matinding operasyong militar ang Masbate.

Sa Bukidnon, dalawang sundalo ang napatay nang atakehin ng BHB ang isang kolum ng 8th IB sa Consolacion, Manolo Fortich noong Oktubre 20. Isa pang sundalo ang napatay nang paputukan ng BHB ang isang kolum ng 12th Scout Ranger Coy sa Bulunay, Impasug-ong noong Oktubre 23.

Umaabot na sa 11 ang napapatay sa panig ng AFP sa pitong operasyong harasment na nailunsad ng BHB sa Bukidnon mula Setyembre 22 hanggang Oktubre 23. Walang kaswalti sa hanay ng BHB. Matagal nang humihiling ang BHB sa lugar ng SOMO/SOPO para mapalaya nila ang dalawang bihag na hawak sa ngayon ng rebolusyonaryong kilusan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20141107/5-sundalo-patay-sa-albay-at-bukidnon

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.