From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Sep 18): Bombing sa Gensan, tinututukan
Sinuyod ni General Santos City Mayor Ronnel Rivera ang lugar na kung saan sumambulat ang bomba gabi ng Septyembre 16, 2014 na kung saan ay 8 katao ang sugatan na binisita rin ng opisyal. (Kuha ni Russel Delvo)
Iniimbestigahan ng maiigi ng mga awtoridad ang pagsabog ng bomba sa General Santos sa labas lamang ng City Hall na kung saan ay 8 katao ang kumpirmadong sugatan.
Itinanim ang bomba sa rebulto ni national hero Jose Rizal ng sumambulat ito Martes ng gabi at ipinag-utos ni Mayor Ronnel Rivera sa militar at pulisya na agad resolbahin ang naganap.
“I want to pin down immediately whoever are behind this explosion. I don’t want these people to create more havoc to Gensan,” ani Rivera. “Gensan is steadily progressing. This blast will somehow be a deterrent to the vibrant economy of the city, especially to the entry of investments.”
Umapela rin ito sa mga residente na maging mahinahon at huwag matakot dahil ginagawa na umano ng mga awtoridad ang lahat ng paraan upang hindi maulit ang naganap.
“I want all residents to be strong in these times. Let us not blame and point fingers because that won’t really help. Let us be vigilant, let us help one another because Gensan is our home,” wika pa ni Rivera.
Dinalaw pa ni Rivera ang mga sugatan sa pagamutan matapos na personal nitong pasadahan ang lugar ng pinangyarihan ng pagsabog.
Kinilala nito ang mga biktma na sina Sarah Arquiza, 18; Christian Paul Amimong, 20; Jay Ar Magnanao, 17; Marlon Pasada, 23; Joanne Michelle Abranilla, 10; James Ralph Abreo, 23; Andy Galapen, at Sheena Mae Maquinda.
Walang umako sa krimen, ngunit naganap ang atake habang kalat ang balita na maraming mga grupo ang sumisimpatya sa ISIS o Islamic State na nakikibaka sa Iraq at Syria na kung saan ay mahigit sa 100 Pinoy ang sumanib sa naturang grupo. Maging ang Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ay kumampi na rin sa IS at alarmado dito ang Estados Unidos.
http://www.mindanaoexaminer.net/2014/09/bombing-sa-gensan-tinututukan.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.