From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Sep 26): 2,000 blasting caps nasabat sa Zambo
Ilan lamang ito sa mga uri ng blasting caps.
ZAMBOANGA CITY – Dalawang lalaki ang dinakip ng militar at pulisya matapos nilang kunin ang isang bagahe na may lamang 2,000 blasting caps sa isang barko na galing pa sa bayan ng Jolo sa Sulu province.
Sinabi ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na inaabangan na ng mga awtoridad sa Zamboanga City ang pagdating ng barkong MV Magnolia Lili Flora matapos na makatanggap ng intelligence report ang militar na may lulang pampasabog ito.
Hindi pa umano agad kinuha ng dalawang lalaki na nakilalang sina Almuksin Amilussin at Saud Arnado ang bagahe ng dumating ang barko nitong Miyerkoles at sa halip ay kinabukasan pa ito binalikan sa pangambang matitiktikan sila ng mga awtoridad.
Itinago pa umano ang bagahe – na balot sa packaging tape - sa pilot house ng nasabing barko, subali’t hindi naman agad mabatid kung paanong nakalusot ito sa mga awtoridad sa Jolo.
Nahaharap sa kasong illegal possession of explosives ang dalawang lalaki na ngayon ay iniimbestigahan pa rin kung may koneksyon sila sa Abu Sayyaf. Kalimitang gamit ng mga rebeldeng grupo ang blasting caps sa paggagawa ng bomba at kalimitan rin sa mga illegal fishing sa Mindanao.
http://www.mindanaoexaminer.net/2014/09/2000-blasting-caps-nasabat-sa-zambo.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.