Monday, August 25, 2014

ISIS nakakuha ng recruits sa Davao

From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Aug 25): ISIS nakakuha ng recruits sa Davao (ISIS gained recruits in Davao)

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may na-recruit ang grupong ISIS sa kanyang lugar at ikinababahala ito ng pulitiko.

Maging ang pag-amin ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ng suporta nito sa ISIS ay inulutang rin ni Duterte. Sinabi nito na may mga natanggap na siyang ulat ukol sa mga recruit ng ISIS sa Davao at katunayan ay naka-alis na umano ang mga ito at posibleng nakikipaglagban na sa Iraq at Syria.

Nirerespeto umano ni Duterte ang prinsipyo ng bawat isa at tanging hiling lamang nito ay hindi madamay ang Davao.”Dako man ko respeto basta prinsipyo na. I just hope dili ma generate into something bad for us here. They are driven by religious principles. Islam is a very good religion. I just hope that they are there to fight for religious purposes and not for hatred. I just hope that they are well there. Whatever it is, they are still Filipinos,” ani Duterte.

Kalat na ang suporta sa ISIS ng ilang mga grupo sa Mindanao at sa Marawi City lamang ay halos mga kabataan ang nasa likod nito. Karamihan sa mga ito ay sumusuporta sa Islamic caliphate na isinusulong ng ISIS at nais na isulong ito sa Mindanao na dating nasa ilalim ng kapangyarihan ng Sultanate.

Maging ang Abu Sayyaf ay nagbigay na rin ng kanilang suporta sa ISIS at kamakailan lamang ay sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos na mahigit sa 100 Pinoy ang ngayon ay nasa Iraq at sumama na sa ISIS.

Dedma lamang ang militar sa mga ulat ukol ng suporta ng mga grupo sa Mindanao sa ISIS.

http://www.mindanaoexaminer.net/2014/08/isis-nakakuha-ng-recruits-sa-davao.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.