NPA North Quezon Front Operations Command (Mario Corpuz Command)
Nagkaroon ng labanan sa pagitan ng Bagong Hukbong Bayan-Mario Corpus Command – BHB-MCC at ng humigit kumulang 30 sundalo ng 1st IB PA kaninang ika-5 ng umaga sa Sitio Sulog, Brgy San Marcelino, General Nakar, Quezon. Ayon sa ulat ng mga masa sa lugar, 3 ang sugatan sa nasabing labanan na tumagal ng 30 minuto ang putukan.
Ang naturang insidente ay naganap habang ang mga BHB -MCC ay namamahinga at nag-aabang sa pag-atake ng mga sundalo. Matagumpay namang nanlaban ang mga BHB at nakaatras ng walang pinsala. Samantala, patuloy naman ang mga operasyong militar sa lugar ng insidente at sa mga kalapit barangay nito.
Bago pa man ang naganap ang naturang labanan ay malawakan na ang isinasagawang mga operasyong militar sa mga bayan ng Real, Infanta, Gen Nakar at sa iba pang bayan sa Hilagang Quezon upang tiyakin ang walang sagabal na pagpapatupad ng planong mga diumanong proyektong pangkaunlaran na pawang mga kontra-maralita at kontra – magsasaka.
Malawakan na ang spekulasyon ng lupa dulot ng planong proyektong pang-ekoturismo sa mga bayang nakapalibot sa Sierra Madre na magpapalayas sa mga magsasaka at maralita sa lugar.
Nais ding ipagmalaki ng rehimeng US Aquino na bukod sa pangarap nitong mga proyektong kontra mamamayan ay mawawalan na din ng saysay at kabuluhan ang presensya ng BHB sa lugar, subalit bigo ang mga pakanang ito na nasa buong disenyo ng OPLAN BAYANIHAN.
Ang PKP, BHB-MCC at iba pang alyadong organisasyon ng NDF sa lugar ay ubos kayang bibiguin ang pakanang ito ng rehimen. Dapat ng patalsikin ang rehimeng US Aquino dahil sa pagkatuta sa Kano at kainutilan nito.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140712_3-sundalo-sugatan-sa-labanan-sa-pagitan-ng-bhb-at-mga-sundalo-ng-1st-infanrty-batallion-phil-army

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.