Tuesday, June 24, 2014

CPP/NPA: Tangkang pagkubkob ng militar, binigo ng BHB

NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Jun 24): Tangkang pagkubkob ng militar, binigo ng BHB


Logo.bhb
Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)
 
PINUPURI ng Celso Minguez Command ng Bagong Hukbong Bayan ang mga Pulang mandirigma na mahusay na dumepensa laban sa tangkang pagkubkob ng 31st IB sa Barangay Fabrica, Barcelona, Sorsogon nitong Hunyo 21.

Sa maagap at mabilis nilang pag-aksyon ay nabigo nila ang plano ng reaksyunaryong militar at nakaiwas sa pinsala ang yunit ng BHB at natiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan sa lugar. Naunahan nila ang papalapit na tropa ng kaaway na nagtamo ng di kukulangin sa tatlong kaswalti sa pagsabog ng command-detonated na eksplosibo.

Susi sa matagumpay na pagdepensa ng mga gerilya ang pagiging alerto nila sa lahat ng oras, ang mahusay nilang gawaing kontra-paniktik at ang mahigpit na suporta ng taumbaryo. Sa pamamagitan din ng mga ito ay agad gagawa ang yunit ng BHB ng karampatang aksyon laban sa intelligence network ng kaaway na nasa likod ng naturang tangkang pagkubkob.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20140624_tangkang-pagkubkob-ng-militar-binigo-ng-bhb

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.