Thursday, April 24, 2014

7ID, may 118 bagong sundalo

From the Philippine Information Agency (Apr 24): 7ID, may 118 bagong sundalo (7ID has 118 new soldiers)

FORT RAMON MAGSAYSAY, Nueva Ecija -- 118 kalalakihan at kababaihan ang mga bagong miyembro ng 7th Infantry Division (7ID) ng Hukbong Katihan matapos magtapos sa walong buwang Basic Military Training at Scout Ranger Orientation Course.

Sa kanyang mensahe sa mga nagtapos, sinabi ni 7ID Chief of Staff Colonel Ronald Villanueva na ang Sandatahang Lakas ay patuloy na umuusbong bilang isang propesyon na handang magbigay puri sa bansa.

Hindi aniya madali ang pagiging sundalo pagkat kailangan ng masusing pagsasanay upang patatagin ang kaisipan, pangangatawan at gawing laging handa sa tunay na paglilingkod sa bayan.

Kanyang pinaalalahanan ang mga bagong sundalo na huwag gagawa ng mga maling hakbang at tatalikod sa batas bagkus ay ugaliing maging kagalang-galang sa lahat ng panahon at tutukan ang paglilingkod sa kapwa at bayan.

http://news.pia.gov.ph/index.php?article=1961397615026

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.