Sunday, March 30, 2014

NPA patay sa Cagayan encounter

From Bombo Radyo News (Mar 29): NPA patay sa Cagayan encounter

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) matapos makaenkwentro ang tropa ng militar sa bayan ng Rizal Cagayan.
 
Kinilala ang nasawi  na si Ronald Beran, 42,  residente ng Brgy. Masi sa nasabi ring bayan.
 
Nakaengkwentro ng 5th ID Philippine Army sa pangunguna ni 2nd Lt. Lyndolph Ranola ang 10 hinihinalang kaanib ng  makakaliwang pangkat sa naturang Brgy. habang sila ay nagpapatrolya.
 
Nauna umanong nagpaputok ang mga rebelde kung kayat gumanti ang mga sundalo na nagresulta sa pagkamatay ni Beran.
 
Wala naman nasugatan o namatay sa panig ng militar.

http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/51942-npa-patay-sa-cagayan-encounter

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.