Monday, December 23, 2013

CPP/Ang Bayan: 71st IB, isinakdal sa pagpaslang sa 8-taong gulang na si Roque Antivo

From the Dec 21 edition of Ang Bayan posted to the CPP Website (Dec 21): 71st IB, isinakdal sa pagpaslang sa 8-taong gulang na si Roque Antivo (71st IB charged in the murder of 8-year-old Roque Antivo)

Isinakdal ng Demokratikong Gubyernong Bayan sa Compostela Valley ang mga upisyal at tauhan ng 71st IB kaugnay sa pagpatay kay Roque Antivo at bigong pagpatay kina Jefrey Hernan at Earl Jhun Antivo noong Abril 3, 2013 sa Barangay Anitapan, Mabini.

[The Democratic Government in Compostela Valley accused the officials and staff of the 71st IB with regard to the murder Roque Antivo and the attempted murder of Jefrey Hernan and Earl Jhun Antivo on April 3, 2013 in Barangay Anitapan, Mabini.]

Ibinaba ang sakdal matapos matukoy ng Espesyal na Grupo sa Pag-iimbestiga na “may sapat na batayan upang buuin ang isang hukumang bayan para litisin” sina Lt. Col. Jerry T. Borja ng 71st IB, Col. Angelito de Leon ng 1001st Brigade, Maj. Jake Obligado at GPH Prosecutor Graciano Arafol, Jr. sa “mga krimen sa digma at mga krimen laban sa sangkatauhan at malalalang paglabag sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas.”

Kasama rin sa isinakdal sina Pres. Benigno Aquino III ng GPH, Sec. Voltaire Gazmin ng Department of National Defense, AFP Chief of Staff Lt. Gen. Emmanuel Bautista at Gen. Ricardo Rainier Cruz ng Eastern Mindanao Command sa kanilang pagbabalangkas at pagtutupad ng Oplan Bayanihan na tumatarget sa mga sibilyang katulad ni Roque.

Isinadokumento sa imbestigasyon kung papaanong pinaputukan ng mga sundalo ng 71st IB si Roque Antivo, isang 8-taong gulang na bata, at ang panganay niyang kapatid na si Earl Jhun at tiyuhing si Jeffry Hernan habang naglalakad pauwi mula sa kanilang bukid. Kaagad na napatay si Roque, habang nasugatan naman ang kanyang tiyuhin. Malalang trauma naman ang dinanas ng kanyang kapatid.

Napasinungalingan sa imbestigasyon ang sinasabi ng AFP na napatay si Roque at nasugatan si Hernan matapos silang madamay sa isang labanan sa pagitan ng AFP at ng isang yunit ng BHB. Natukoy sa imbestigasyon na mga dalawang oras ang layo ng Front 2 Platoon, ang pinakamalapit na yunit ng BHB. Natukoy din kung papaanong nagsabwatan ang mga pulis, ang piskal at ang AFP para pagtakpan ang kanilang krimen.

Tinukoy din kung papaanong tinangka ni Major Obligado na suhulan ang pamilyang Antivo sa pamamagitan ng pag-aalok ng salapi at pangakong pag-aaral upang hindi siya madiin sa kaso.

[The official news organ of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly. It is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20131221/71st-ib-isinakdal-sa-pagpaslang-sa-8-taong-gulang-na-si-roque-antivo

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.