Monday, December 23, 2013

CPP/Ang Bayan: 10th ID, nagtamo ng 34 kaswalti

From the Dec 21 edition of Ang Bayan posted to the CPP Website (Dec 21): 10th ID, nagtamo ng 34 kaswalti (10th ID suffered 34 casualties)

Nagtamo ng 20 patay at 14 na sugatan ang mga sundalo ng 10th ID ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) bunsod ng serye ng mga taktikal na opensibang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa ilalim ng Comval-Davao Gulf Subregional Command mula Nobyembre 18 hanggang Disyembre 6.

[The 10th ID of the Eastern Mindanao Command (Eastmincom) suffered 20 dead and 14 wounded soldiers following a series of tactical offensives launched by units of the New People's Army (NPA) under the Davao Gulf subregional Comval Command from November 18 to December 6.]

Para tabunan ang malaking kahihiyang ito, mismong si Lt. Gen. Rainier Cruz, hepe ng Eastmincom, ang naglubid ng buhangin nang palabasin nitong napatay ng AFP ang apat na Pulang mandirigma sa bayan ng Maco, Compostela Valley.

Sa katunayan, naglunsad ng malupit na mga operasyong militar ang kaaway tulad ng pang-iistraping at pambobomba. Isang sibilyan ang kanilang pinatay at tatlong iba pa ang ikinulong. Malawakang binulabog ang kabuhayan ng daan-daang residente sa mga bayan ng Maco at Maragusan.

Noong Nobyembre 21, nagkasagupa ang tropa ng 71st IB at ang 6th Pulang Bagani Company (Front 27 Operations Command) sa North Davao, New Leyte, sa bayan ng Maco. Bunsod nito, tatlong sundalo ang napatay at tatlong iba pa ang nasugatan.

Desperadong gumanti ang militar, ngunit pawang mga di armado at inosenteng sibilyan ang kanilang nabiktima. Mga alas-10:30 ng umaga, kinanyon ng militar sa pamamagitan ng 105 mm howitzer ang mga sityo ng North Davao at Bunlang, New Leyte. Pagsapit ng alas-4 ng hapon, dalawang MG-520 helikopter ang nagpaulan ng mga bomba sa North Davao at sa kulumpon ng mga barangay sa Masara Lines, Maco. Ang mga pambobomba ay ginawa ng AFP noong Nobyembre 18, 21, 23, Disyembre 4 at Disyembre 6.

Habang nagpapahinga sila sa kanilang kampo sa Barangay Parasanun bandang alas-11 ng gabi, pinasabugan sila ng isang yunit ng BHB ng isang command-detonated explosive (CDX). Napatay ang limang sundalo at nasugatan ang anim na iba pa.

Noong Nobyembre 23, mga alas-8 ng umaga, binulabog ng mga Pulang mandirigma ang kampo ng 71st IB Alpha Company at tatlong sundalo nito ang nasugatan.
Dalawang oras makaraan ito, binomba ng dalawang MG-520 ang mga bukirin sa Barangay Elizalde, Barangay Teresa at Barangay New Barili, pawang sa Maco.
Noong Nobyembre 25, pinasabugan ng BHB ang isang yunit ng 66th IB sa Sityo Camuso, Barangay Parasanun. Apat na sundalo ang napatay.

Naglunsad ng aksyong harasment ang BHB noong Nobyembre 28 laban sa 71st IB sa Sityo Biokadan, Barangay Teresa. Isang sundalo ang napatay. Matapos ito, pwersahang pinalikas ng militar ang mga residente ng nabanggit na lugar.

Noong Disyembre 4, mga alas-8 ng umaga, tinambangan ng 6th Pulang Bagani Company ang 71st IB sa Sityo Lim-aw, Barangay Teresa. Pito ang napatay at lima ang nasugatan sa mga sundalo. Pasado alas-9 ng umaga, binomba ng militar ang Sityo Lim-aw at Sityo Gakub gamit ang 105 mm howitzer. Nabulabog ang kabuhayan ng mga magsasaka bunsod nito.

[The official news organ of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly. It is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20131221/10th-id-nagtamo-ng-34-kaswalti

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.