From the Dec 21 edition of Ang Bayan posted to the CPP Website (Dec 21): 22 armas, nasamsam ng BHB sa Bukidnon (22 firearms seized by the NPA in Bukidnon)
Dalawampu’t dalawang armas ang nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa dalawang magkahiwalay na taktikal na opensibang inilunsad nitong unang hati ng Disyembre laban sa mga armadong pwersa ng reaksyunaryong gubyerno sa Bukidnon.
[Twenty-two weapons were seized by the New People's Army (NPA) in two separate tactical offensives launched in the first half of December against the armed forces of the reactionary government in Bukidnon]
Reyd sa Kibawe Police Station
Matagumpay na sinalakay ng mga Pulang mandirigma ng BHB sa ilalim Mt. Apo Subregional Command ang hedkwarters ng Philippine National Police (PNP) sa bayan ng Kibawe noong madaling araw ng Disyembre 12 at nakasamsam ng 13 sandata na may iba’t ibang kalibre. Tumagal nang 17 minuto ang isinagawang reyd.
Ang mga nasamsam na armas ay kinabibilangan ng pitong M16, tatlong kal .45 na pistola at tatlong pistolang 9 mm. Nakakumpiska rin ang BHB ng mga bala, uniporme at radyong VHF.
Sumalakay ang mga Pulang mandirigma ganap na alas-4:50 ng umaga. Nanlaban ang mga pulis pero pagkaraan ng 10-minutong labanan, dalawa sa kanila ang napatay at tatlo ang nasugatan.
Isang oras makalipas salakayin ang Kibawe Municipal Police Headquarters, inambus ng BHB ang reimporsment mula sa Provincial Public Safety Company at 8th IB sa pamamagitan ng pagpapasabog ng command-detonated explosive.
Layunin ng isinagawang mga taktikal na opensiba na makakuha ng kinakailangang mga armas para maparami pa ng BHB ang mga panlabang platun nito at parusahan ang mga tinarget na abusadong yunit-militar at pulisya. Partikular na pinarusahan ang 8th IB dahil sa sapilitan nitong pagrerekluta sa paramilitar na CAFGU at pagtatayo ng mga detatsment ng Philippine Army sa ilang bahagi ng Bukidnon.
Operasyong disarma, iba pang labanan
Siyam na armas naman ang nakumpiska sa operasyong disarma ng BHB noong Disyembre 1 laban sa isang bandidong grupo sa Sityo San Abel, Barangay Miarayon, Talakag, Bukidnon. Nasamsam ng mga Pulang mandirigma ng Mt. Kitanglad Subregional Command ng BHB ang dalawang karbin, isang ripleng Garand, apat na shotgun, isang kal .45 pistola at improvised machine pistol.
Matagal nang inirereklamo ang bandidong grupong ito dahil sa kanilang pananakot sa mga residente. Bukod sa ilang anti-mamamayang mga gawain, sagadsarin ding mga kontra-rebolusyonaryo ang mga elemento nito na suportado ni Renato Sulatan, ang despotikong mang-aagaw ng lupa na dating bise-alkalde ng Talakag.
Sa iba pang mga pangyayari, isang sundalo ng 58th IB ang napatay nang makasagupa ng naturang yunit-militar ang isang platun ng BHB sa ilalim ng Eastern Misamis Oriental-North Eastern Bukidnon Subregional Command sa Hindangon, Gingoog City noong Nobyembre 26. Walang kaswalti sa panig ng mga Pulang mandirigma.
Inisnayp din ng BHB ang mga elemento ng 8th IB na naglulunsad ng operasyong saywar sa ilalim ng Community Organizing for Peace and Development (COPD) noong Nobyembre 28 ng umaga sa Barangay Buntongon, Impasug-ong, Bukidnon.
[The official news organ of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly. It is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20131221/22-armas-nasamsam-ng-bhb-sa-bukidnon
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.