Thursday, June 20, 2024

CPP/Ang Bayan: Pagsabog ng Bulkang Kanlaon, tinugunan ng BHB-Negros

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 21, 2024): Pagsabog ng Bulkang Kanlaon, tinugunan ng BHB-Negros (Eruption of the Kanlaon Volcano, responded by NPA-Negros)
 




June 21, 2024

Kumikilos ngayon ang mga yunit at kumand sa ilalim ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Negros Island (Apolinario Gatmaitan Command) para umagapay at tumulong sa masang Negrosanon na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. Pumutok ang bulkan noong Hunyo 3 at nakaranas ng pagragasa ng lahar mula sa bulkan ang mga komunidad sa Central Negros noong Hunyo 6 bunga ng malakas na pagbuhos ng ulan na humalo sa abo na ibinuga ng bulkan.

Dobleng pasakit sa masang Negrosanon ang pagputok ng Bulkang Kanlaon dahil hindi pa sila nakababangon mula sa delubyo ng tagtuyot noong panahon ng El NiƱo.

Sa mga ulat, umabot na sa 15,511 pamilya (halos 50,000 katao) sa 23 na barangay ang apektado ng pagputok ng bulkan noong Hunyo 18. Tinatayang aabot sa ₱10 milyon na ang pinsalang idinulot nito sa sektor ng agrikultura.

Sa halip na kongkreto at lehitimong tulong, nagpapakitang-gilas lamang ang rehimeng Marcos Jr sa pagbibigay nito ng hindi sustenableng ayuda para sa pamumulitika nito at propagandang militar. Sa gitna ng sakuna, idineklara pa ng 303rd IBde na hindi nito ititigil ang mga operasyong kombat sa mga apektadong komunidad. Sa ilang pagkakataon, ginamit pa ng mga sundalo ang pamamahagi ng ayuda para sapilitang “pasukuin” ang mga sibilyan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2024/06/21/pagsabog-ng-bulkang-kanlaon-tinugunan-ng-bhb-negros/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.