Thursday, June 20, 2024

CPP/Ang Bayan: Banta sa kalayaan ng Pilipinas ang mga base militar at war games ng US

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 21, 2024): Banta sa kalayaan ng Pilipinas ang mga base militar at war games ng US (US military bases and war games are a threat to Philippine independence)
 





June 21, 2024

Sa mga komunidad sa paligid ng mga base militar ng US, o tinaguriang “EDCA site” at mga pinagdausan ng Balikatan 2024, laganap ang kapabayaan, disimpormasyon at panggigipit ng reaksyunaryong gubyerno at militar ng US. Ito ang kongklusyon ng isang fact-finding mission na isinagawa ng Bayan-USA at PINAS Peace mission sa Central Luzon, Ilocos Norte at Marawi City. Isinapubliko nila noong Hunyo 12 ang resulta ng 3-linggong imbestigasyon.

Kabilang sa mga natuklasan ng delegasyon ang pagtatambak ng US ng pinaghihinalaang gamit-militar sa labas ng itinakdang mga “EDCA site” at pagsasamantala ng mga sundalong Amerikano sa mga rekurso ng masang Cagayanon; pagsasabwatan ng mga pribadong kumpanya at militar; kawalang pagpapabatid sa mga komunidad sa Ilocos at Cagayan kung saan idinaos ang Balikatan na nagresulta sa troma at ligalig sa sibilyang populasyon; at militarisasyon, panggigipit at Red-tagging sa mga komunidad na nagtatanggol lamang ng kanilang kabuhayan. Sa Marawi City, naibahagi ng mga lokal na upisyal ang disimpormasyon kaugnay sa itinatayong base militar at “economic zone” kalapit nito sa “ground zero” gamit ang pondo ng EDCA.

Ayon sa delegasyon, banta sa kalayaan ng mga Pilipino ang lahat ng ito, at dapat papanagutin ang rehimeng Marcos, gayundin ang gubyerno ng US sa ilalim ni Joseph Biden sa pinsala ng dala nitong militarismo sa pinakamahihirap na sektor.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

ENGLISH TRANSLATION

US military bases and war games are a threat to Philippine independence

In the communities around the US military bases, or so-called “EDCA sites” and the venues of Balikatan 2024, neglect, disinformation and pressure by the reactionary government and the US military are widespread. This is the conclusion of a fact-finding mission conducted by Bayan-USA and PINAS Peace mission in Central Luzon, Ilocos Norte and Marawi City. They made public on June 12 the results of the 3-week investigation.

The findings of the delegation include the US stockpiling of suspected military equipment outside of designated "EDCA sites" and exploitation of the resources of the Cagayan people by American soldiers; collusion of private companies and the military; lack of notification to the communities in Ilocos and Cagayan where the Balikatan was held which resulted in trauma and unrest among the civilian population; and militarization, harassment and Red-tagging of communities that are only defending their livelihoods. In Marawi City, local officials shared disinformation related to the military base being built and its "economic zone" near ground zero using EDCA funds.

According to the delegation, all of this is a threat to the freedom of Filipinos, and the Marcos regime, as well as the US government under Joseph Biden, must be held accountable for the damage it brings to the poorest sectors of militarism.

https://philippinerevolution.nu/2024/06/21/banta-sa-kalayaan-ng-pilipinas-ang-mga-base-militar-at-war-games-ng-us/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.