Thursday, June 20, 2024

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Palabas na engkwentro ng AFP sa Nueva Vizcaya, inilantad

Ang Bayan Daily News & Analysis (in Tagalog) propaganda article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) PRWC Website (Jun 20, 2024): Palabas na engkwentro ng AFP sa Nueva Vizcaya, inilantad (AFP showdown in Nueva Vizcaya, exposed)
 





June 20, 2024

Pinasinungalingan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pinalalabas ng 7th ID ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na engkwentro ng yunit nito sa hukbong bayan kaninang madaling araw sa Barangay Abuyo, Alfonso CastaƱeda, Nueva Vizcaya. Sa ulat ng BHB, hindi engkwentro kundi pambobomba at istraping sa mga sibilyang komunidad ang ginawa ng mga helikopter ng AFP.

Walong beses o higit pa ang ginawang pagbobomba habang sunud-sunod ang pagpapaputok ng dalawang attack helicopter. Gumamit din ang mga sundalo ng mga drone.

Anang BHB, ginawa ito ng AFP para bigyang katwiran ang militarisasyon at malawakang operasyong kombat na isasagawa nito sa naturang bayan at katabing mga bayan sa prubisnya ng Aurora.

Pagbibigay-daan ito sa mas mabilis na pagpapatupad ng mapangwasak na proyekto ng estado kabilang ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), pagtatayo ng military industrial hub, at paghuthot sa mga natural na rekurso ng Benham Rise sa katabing prubinsya ng Aurora.

Sa pahayag ng BHB-Aurora, sinabi nitong tiyak silang “palilitawin na naman ito ng AFP na bahagi ng kanilang operasyong pagtugis sa BHB at resulta ng “pagsusuplong ng mga sibilyan.”

https://philippinerevolution.nu/angbayan/palabas-na-engkwentro-ng-afp-sa-nueva-vizcaya-inilantad/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.