Kabataang Makabayan-Rizal
NDF-Rizal
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
February 11, 2024
Matagumpay na nakapaglunsad ng oplan pinta at oplan diki ang Kabataang Makabayan-Rizal upang gunitain at pagpugayan ang ika-85 kaarawan ni Ka Jose Maria Sison, isang dakilang lider at tanglaw ng rebolusyong Pilipino. Inihanda ng mga kabataan ang isang portrait (wheatpaste art) ni Ka JMS at idinikit sa mataong lugar sa Barangay San Juan, Taytay upang maabot ng likha ang malawak na hanay ng masa na dumadaan papuntang Bagong Palengke ng Taytay.
Ipinamalas ng Kabataang Makabayan-Rizal ang taglay nitong pagkamalikhain upang ibalandra ang alay nitong likhang-sining para sa nagdaang kaarawan ni kasamang Jose Maria Sison. Hinding-hindi mapipigilan ng reaksyonaryong pwersa ang kasiglahan ng kabataang isulong ang demokratikong rebolusyong bayan.
Handang-handa ang KM-Rizal na i-alay ang talento at lakas para ipagpatuloy ang nasimulang laban ng Kabataang Makabayan na itinatag ni Jose Maria Sison noong Nobyembre 30, 1964. Mahigpit na pinagkukunan ng inspirasyon ng kabataang RizaleƱo ang kadakilaan ni Ka Joma bilang isang rebolusyonaryo, guro, manunulat, at makabayan.
Tiyak na mas magiging mapangahas ang Kabataang Makabayan-Rizal na gamitin ang sining upang ilantad ang kabulukan ng estado at sa patuloy na lumalalang atake, at pasismo ng rehimeng US-Marcos II-Duterte.
https://philippinerevolution.nu/statements/mabuhay-si-jose-maria-sison-dakilang-lider-at-inspirasyon-ng-kabataang-pilipino/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.