Monday, October 16, 2023

CPP/NPA-Masbate: Nagpapatuloy na kampanyang teror ng AFP-PNP-CAFGU sa nalalapit na halalang pambarangay

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Oct 14, 2023): Nagpapatuloy na kampanyang teror ng AFP-PNP-CAFGU sa nalalapit na halalang pambarangay (The AFP-PNP-CAFGU terror campaign continues in the upcoming barangay elections)
 


Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

October 14, 2023

Sinalakay ng 15 elemento ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army ang barangay tanod at kumakandidatong kagawad sa Barangay Matubinao na si Ariel Urag noong Oktubre 12, alas-7 ng umaga. Sinakal si Urag, isinubsob sa lupa at pinagbantaang papatayin kapag nagbukas pa ng cellphone.

Ang pananakit at pambabanta kay Urag ay tiyak na bahagi sa kampanya ng militar na panggigipit at karahasan sa mga kandidato at incumbent para sa halalang pambarangay.

Hamon para sa mga kumakandidato at nakaupong mga upisyal ng barangay na huwag magpatinag sa panghaharas ng militar at pulis. Sa matapang na pagharap sa mga kaaway, lalong maipapakita ng mga kandidato ang kanilang sinseridad na magserbisyo sa mamamayan.

Kaugnay nito, bukas at handang makipag-ugnayan ang Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate sa sinumang kandidato ang idulog ang kanilang mga reklamo sa militar at malalaking pulitiko.

Walang awa ding dinakip ng militar ang 70-anyos na si Dolores Rapsing sa Barangay Bulo, Masbate City. Siya ang nakakatandang kapatid ng namartir na bayani ng Masbate na si Jose “Ka Erron” Rapsing na pinatay ng militar noon pang dekada nobenta.

Iligal ding inaresto sina Melanie Tupas Amor at Nilo Mabuti Almoradie sa Barangay PiƱa, San Jacinto sa gawa-gawang kasong murder. Kasalukuyan silang nakadetine sa San Jacinto Municipal Jail.

Kasalukuyan nang tinitipon ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan ang mga datos hinggil sa pagkakakilanlan ng mga dumakip at utak sa pasistang pakana.

Saanmang sulok ng prubinsya, kinasusuklaman ng mga Masbatenyo ang AFP-PNP-CAFGU. Lalong lumalakas ang panawagan nila sa kanilang New People’s Army: tambangan ang teroristang kaaway! Pasabugan ng CDX!

Kailangang lumaban ng mga Masbatenyo kasama ang kanilang New People’s Army. Pamumunuan sila ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sa digmang bayan, makakamtan nila ang tunay na hustisya.

https://philippinerevolution.nu/statements/nagpapatuloy-na-kampanyang-teror-ng-afp-pnp-cafgu-sa-nalalapit-na-halalang-pambarangay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.