Gregorio Caraig
Spokesperson
NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
October 16, 2023
Walang katotohanan at gawa-gawang kwento lamang ang ipinaskil sa Facebook page ng mga bulaang sundalo ng 59th Infantry Battalion Philippine Army (IBPA) sa pangunguna ng kanilang sugapa sa perang Battalion Commander na si Ltc. Ernesto R. Teneza na may labanan sa pagitan nila at ng NPA sa Barangay Guinhawa, Taysan noong Oktubre 12, bandang 11:20 ng umaga. Ang higit na katawa-tawa, nagawa pa ng 59th IBPA na kaladkarin ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) noong Oktubre 13 para mag-recycle na naman ng backpack, baril, mga magasin at mga sangkap ng pampasabog sa umano’y lugar ng pinangyarihan. Gayunpaman, gaano man ka-scripted ang kanilang palabas, siguradong isinusuka lamang ng mamamayan ng Batangas ang panibagong drama-seryeng ito ng mga walang dangal na 59th IBPA at ni Teneza.
Kaya naman, sa gitna ng panibagong kasinungalingang ipinapakalat ng 59th IBPA at panibagong bugso ng marahas na operasyong militar na isinasagawa ngayon ng 59th IBPA, nananawagan ang Eduardo Dagli Command – NPA Batangas sa mga residenteng muling nabiktima o naapektuhan ng walang habas na pamamaril (indiscriminate firing) na isinagawa ng mga kasundaluhan ng 59th IBPA noong Oktubre 13 sa Barangay Guinhawa, Taysan at sa mga nabiktima o naaapektuhan ngayon ng mga nagaganap na operasyong militar sa mga komunidad ng Rosario, Taysan, Lobo, Calaca, Balayan, Nasugbu at Tuy na huwag magpadaig sa takot, bagkus ay walang takot na ihabla o ipaabot sa kinauukulan ang inyong mga hinaing at reklamo laban sa pananampalasan ng mga kasundaluhang ito sa inyong buhay, kabuhayan at karapatang pantao.
Hindi nakakalimutan ng mamamayan ng Batangas na ang kaparehong yunit ng militar ang walang awang pumatay sa 9-taong gulang na batang si Kylene Casao sa Barangay Guinhawa, Taysan noong Hulyo 18, 2022 at sa 59 taong gulang na magsasakang si Maximino Digno sa Barangay Cahil, Calaca noong Hulyo 26, 2022. Kapwa ito iniluwal ng gawa-gawang labanan na ipinakana ng 59th IBPA upang pagtakpan ang kanilang karumal-dumal na krimen.
Hindi nakakapagtakang muli na namang walang habas na namaril sa mga sibilyan at bahayan ang mga kasundaluhan ng 59th IBPA lalo pa at sa dami at laki ng mga operasyong militar na kanilang inilulunsad sa lalawigan ng Batangas at Quezon mula pa ng pumasok ang taong 2023, hanggang sa kasalukuyan ay bigo pa rin silang mapinsala ang mga yunit ng NPA sa lalawigan dahil patuloy itong tinatangkilik at niyayakap ng masang Batangenyo.
Hindi na birong pondo ng bayan ang inaaksaya ng mga tropa ng 59th IBPA sa kanilang walang kakuwenta-kuwentang mga operasyong militar na inilulunsad. Inaani nila ang pagkasuklam mula sa mamamayan dahil sa mga perwisyong inihahatid nila sa kabuhayan at pang-araw araw na pamumuhay ng masa sa mga komunidad na paulit-ulit na nilang iniikutan at nilulunsaran ng mga operasyon.
Mula buwan ng Mayo hanggang Setyembre, hindi tinigilan ng operasyong militar ng 59th IBPA ang mga barangay ng Biga, Balibago, Malabrigo, Soloc, Nagtoctoc at Jaybanga bilang paghahanda sa nalalapit nang operasyon muli ng dayuhang malakihang pagmimina ng MRL-Bluebird Ventures Inc. sa bayan ng Lobo. Pagpasok ng unang linggo ng Oktubre, ipinagpatuloy nito ang panghahalihaw sa mga kabundukan at komunidad ng Lobo at Taysan upang palawakin ang clearing operations nito para sa mapangwasak na proyektong pagmimina at mga mapaminsalang quarry operations sa lugar.
Ang paulit-ulit na paghalihaw sa mga kabundukan at pagpapakana ng mga pekeng labanan katulad ng bagong palabas ng 59th IBPA ay walang ibang layunin kung hindi patuloy na maghasik ng teror at takot sa hanay ng mga sibilyan at magsasakang pangunahing nakaasa ang kabuhayan sa lupa at kabundukan. Sila din ang mga pangunahing maaapektuhan ng mapangwasak na proyektong pagmimina sa oras na magsimula na ito kung kaya’t ngayon pa lamang, sinusupil na ng 59th IB PA ang anumang binhi ng paglaban at pagkamulat na maaaring umusbong sa hanay ng mga apektadong komunidad sa lalawigan.
Hindi pa nasiyahan, noon ding Oktubre 12 ay nagpakana ang 59th IBPA ng isang pekeng insidente ng diumano’y pagkahukay naman ng mga nakatagong armas at kagamitang pandigma sa Sariaya, Quezon. Kung susuriin, wala namang ipinagkaiba ang mga litratong ipinapakita ng 59th IBPA sa dati nang mga litratong naipakita na rin nila at naipagmalaki bilang mga nahukay na kagamitang itinuro umano ng mga walang kahihiyan na mga rebolusyonaryong taksil, mga di-nagpanibagong hubog at oportunistang mga ex-NPA na ngayon ay pinagtitiyagaang gamitin ng 59th IB PA sa kanilang mga walang kadangal-dangal na palabas laban sa rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan.
Maging ang sinasabing pagsuko ng isa pang dati umanong NPA mula sa Barangay Bulihan, Nasugbu nito lamang Oktubre ay peke din at walang katuturan. Ang totoo, walang anumang kinalaman sa NPA ang taong ito. Kinukulang pa yata si Teneza sa milyun-milyong pondo na nakukurakot niya mula sa bilyun-bilyong pisong kinulimbat ng NTF-ELCAC sa kabang bayan at panay ang paghahanapbuhay nito sa pamamagitan ng pagpapakana ng mga pekeng labanan, pekeng pagsuko at pekeng pagkahukay ng mga armas at kagamitan. Habang panay ang pagpapakitang gilas ni Teneza para makakulimbat muli ng milyun-milyong pondo sa kanyang mga sablay na operasyon laban sa NPA at rebolusyonaryong kilusan sa Batangas, nagtitiis namang maghati-hati sa Youngstown Sardines ang mga nag-ooperasyon nitong CAFGU na makailang ulit nang pinahirapang magpabalik-balik sa mga kabundukan. Katunayan, nagpupuyos maging ang mga kawawang sibilyang ginipit, tinakot at sapilitang inilabas ni Teneza at ng 59th IBPA bilang mga NPA surrenderee dahil ang totoo, ultimo pamasaheng ginamit nila sa paulit-ulit na pagpapatawag sa kanila sa kampo hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa sinasaulian ni Teneza!
Inuuto na lamang ng 59th IB PA at ni Teneza ang kanilang mga sarili sa pagyayabang na nagtatagumpay diumano ang kanilang kontra-rebolusyonaryong kampanya sa lalawigan. Ang totoo, bukambibig ng masang Batangenyo ang patung-patong nang rekord ng pandadahas, kayabangan, pangungulimbat, pambabastos at mga pamemerwisyo ng mga walang dangal na kasundaluhan ng 59th IBPA sa iba’t ibang baryo at bahagi ng lalawigan ng Batangas. Katunayan, nagkakailan na ang mga kapitan at taong-barangay na nagtataboy sa mga sundalo sa mga komunidad na kanilang iniikutan sa kanilang sari-sariling kaparaanan. Pinagkakasya na lamang ng 59th IBPA ang kanilang sarili sa pagpupuwersang papirmahin ang mga kapitan at taong barangay sa kapirasong papel para lamang palabasing inaani nila ang suporta at pagtangkilik ng mamamayan.
Huwag na nating hintayin pa na magpaulit-ulit ang mga krimeng inihahasik ng 59th IBPA sa ating mga komunidad. Hindi kailanman nagkaroon ng tunay na respeto at pagmamahal ang 59th IBPA sa masang magsasaka, bagkus ang berdugong batalyon na ito ang nagsisilbing guwardiya sa mga proyektong pagpapalit-gamit ng lupa at pagpapalayas sa mga magbubukid. Numero uno din ang 59th IBPA sa usapin ng paniniil ng karapatan at pananakot sa mga magtutubó sa Kanlurang Batangas na nawalan ng hanapbuhay sa pagsasara ng Central Azucarera de Don Pedro at nananawagan ng ayuda. Ang batalyong ito rin ang nagsampa ng kasong terorismo laban sa tatlong kabataang tagapagtaguyod ng karapatang pantao at ng mamamayang inaapi na sina Hailey Pecayo, John Peter Garcia, at Jasmin Rubia.
Tandaan natin na ang bawat piraso ng bala na lumalabas sa baril ng bawat sundalo ng 59th IBPA at ng buong AFP-PNP ay nagmumula sa dugo at pawis na ipinupundar ng mga mamamayang Pilipino na kanila mismong inaapi at pinapaslang.
Dahil sa lahat ng ito, lalong humigpit ang kapit ng Bagong Hukbong Bayan sa kanyang armas upang gamitin ito sa pagtataguyod ng tunay na interes ng mga mamamayan. Higit lalong nagpapakahusay ang inyong Hukbo sa malalim na pag-ugat sa masang pinagsisilbihan nito, taliwas sa ginagawa ng berdugong AFP. Kami sa NPA, sa pangunguna ng Partido Komunista ng Pilipinas, kaisa ng lakas ng masang api ay handang humarap anumang oras sa mga kaaway ng sambayanan na 59th IBPA upang kamtin ang rebolusyonaryong hustisya.
Hinihingi ng papatinding kalagayan ng karapatang pantao sa probinsya ang mahigpit na pagkakaisa ng mga mamamayan upang palayasin at labanan ang 59th IBPA at anumang yunit ng reaksyunaryong hukbo na nangliligalig at nanlilinlang sa ating mga pamayanan! Kinakailangang mahigpit na panghawakan ng mga mamamayan ang kanilang mga ligal na karapatan bilang sibilyan laban sa pagkakampo ng mga militar sa kanilang komunidad kabilang ang mga eskwelahan, barangay hall, at mga bahayan at iba pang sibilyang pasilidad na paboritong kampuhan ng berdugong 59th IBPA upang gawing human shield ang karaniwang mamamayan. Sa kabila ng mga hakbang na ito, walang ibang epektibong solusyon tungo sa pangmatagalang kapayapaan kundi ang pagtatagumpay ng demokratikong rebolusyon ng bayan sa pagsusulong ng matagalang digmang bayan!
Sabi nga ng dakilang guro na si Kasamang Mao Zedong “Tayo ay tagapagtaguyod ng pagkalusaw ng digmaan. Ngunit ang digma ay mapapawi lamang sa pamamagitan ng digma, at upang alisin ang baril, ay dapat nating tanganan ang baril.”
SUMAPI SA NPA, IBAGSAK ANG PASISTANG AFP-PNP!
MAGING MANDIRIGMA NG URING PINAGSASAMANTALAHAN!
IPAGTAGUMPAY ANG DIGMANG BAYAN!
https://philippinerevolution.nu/statements/pekeng-labanan-pekeng-pasuko-pekeng-nahukay-na-armas-at-ang-59th-ibpa-bilang-pekeng-protektor-ng-mamamayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.