Monday, October 16, 2023

CPP/NPA-Southern Tagalog ROC: Ilehitimong rehimen at reaksyunaryong korte, tagapagtanggol ng mga berdugo

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Oct 15, 2023): Ilehitimong rehimen at reaksyunaryong korte, tagapagtanggol ng mga berdugo (Illegitimate regime and reactionary court, defender of executioners)
 


Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

October 15, 2023

Nakagagalit ang desisyon ng Malolos Regional Trial Court nitong Oktubre 6 na ipawalang-sala ang berdugong heneral na si Jovito Palparan sa kasong isinampa sa kanya ng magkapatid at magsasakang sina Raymond at Reynaldo Manalo. Noong 2006, dinukot, tinortyur at iligal na ikinulong ni Palparan at kanyang pasistang tropa ang magkapatid na Manalo alinsunod sa mabalasik na kontra-rebolusyonaryong kampanya ng noo’y rehimeng US-Arroyo. Dapat singilin ang reaksyunaryong korte at ang ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte na nasa likod ng buktot na desisyong ito.

Walang kahihiyan ang reaksyunaryong korte ng Malolos sa pagpapawalang-saysay sa matibay na ebidensyang iprinesinta ng magkapatid na Manalo laban kay Palparan. Kinontra rin nito ang mga nauna nang husga ng ibang korte sa mga kasong nakasampa laban sa berdugo tulad ng kaso ng pagdukot kina Karen EmpeƱo at Sherlyn Cadapan, kung saan ginamit bilang matibay na ebidensya ng ang testimonya ng mga Manalo.

Ang ganitong kalubhang pagtatakip at pagsasalba sa isang kilalang berdugo ay naisakatuparan mula sa todong suporta at pagkakanlong ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte sa AFP at mga heneral nito. Ginamit nito ang korte upang iligtas si Palparan, isang matapat na utusan sa panunupil at pagpatay sa mga “kalaban” ng estado, mula sa pagbabayad sa isa niyang kasalanan. Nasa interes ng reaksyunaryong estado na gawin ito dahil ito mismo ang nag-uutos at siyang nakikinabang sa brutal na panunupil ng AFP-PNP sa mamamayan. Isa rin itong paraan upang makuha ang katapatan ng mga pasistang heneral sa ilehitimong rehimen.

Hindi lamang ang magkapatid na Manalo ang pinagkaitan ng hustisya sa pagkakataong ito, kundi ang buong bayan na humihiyaw na parusahan na ang halang-ang-kaluluwang berdugong si Palparan. Sa rehiyong TK, libu-libong mamamayang biktima ang naghahangad din ng katarungan. Sariwa pa ang sugat sa puso ng mamamayan ng Laguna at Mindoro na nagdusa sa Task Force Banahaw at Oplan Habol Tamaraw na pinamunuan ng berdugo. Kahindik-hindik ang kwento ng pagpapahirap at pamamaslang sa mga manggagawa, magsasaka’t katutubo sa ilalim ni Palparan. Kabilang sa mga biktima ang human rights workers na sina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy na inambus at sinalbeyds ng mga militar sa Oriental Mindoro noong 2003. Ang mga krimeng ito ni Palparan sa TK ang ginawa niyang tropeyo at medalya na naging dahilan para itaas ng noo’y rehimeng US-Macapagal-Arroyo ang ranggo niya sa AFP.

Higit na nagiging malinaw sa taumbayan kung paano pinalalala ng reaksyunaryong sistema ng hustisya ang impyunidad sa bansa. Pinapaboran ng korte ang mga mamamatay-taong tulad ni Palparan habang ang mamamayang naghahabol ng hustisya para sa kanilang mga kaanak na pinatay ng mga pulis at militar ay inaakusahang sinungaling at sa sukdula’y tatatakan pang terorista. Nagdudumilat itong patunay na bulok at hungkag ang hustisya sa ilalim ng kasalukuyang malakolonyal at malapyudal na lipunan.

Magpapatuloy at sisidhi pa ang inhustisya sa lipunang Pilipino hangga’t nasa poder ang mga mapang-api’t mapagsamantala na kinakatawan ngayon ng napakasamang tambalang Marcos-Duterte. Dapat magpunyagi ang mamamayan sa marubdob na pakikibaka para sa kanilang karapatan at hustisya, higit lalo sa armadong paglaban upang parusahan ang palalong AFP-PNP-CAFGU na protektor ng bulok na estado.

Sa mata ng mamamayan, dapat na sama-samang mabulok sa basurahan ng kasaysayan ang magkakabudhing sina Palparan, Marcos at Duterte. Ang inilulunsad ng mamamayan na demokratikong rebolusyong bayan ang magtitiyak sa katuparan ng tunay na hustisya para sa lahat ng biktima ng estado at ganap na kalayaan ng bayan mula sa pagsasamantala ng iilan.###

https://philippinerevolution.nu/statements/ilehitimong-rehimen-at-reaksyunaryong-korte-tagapagtanggol-ng-mga-berdugo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.