Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | New People's Army
October 14, 2023
Napatay si Rey Esposado alyas Rigor sa operasyong partisano na isinagawa ng NPA ngayong araw, Oktubre 14, 3:30 ng hapon, sa sabungan ng Barangay Ginlajon, Sorsogon City. Pagpapatupad ito ng parusang kamatayan na inihatol sa kanya ng Probinsyal na Hukumang Bayan sa kasong pagtataksil sa rebolusyon.
Si Esposado ay kabilang sa grupo ng mga gerilyang NPA na sumuko sa reaksyunaryong estado noong Abril 2018. Nauna nang pinarusahan ng rebolusyonaryong kilusan ang kasamahan niyang sina Antonio Benzon, Jr alyas Hazel (noong Pebrero 2020) at Michael Donaire alyas Abe (noong Oktubre 2019) na nagpasimuno ng sabay-sabay nilang pagsurender.
Matapos sumuko at magsalong ng mga baril na pag-aari ng NPA, si Esposado ay nagsilbing pangunahing hitman ng death squad na pinakikilos ng AFP at PNP laban sa mga aktibista at mga pinagbibintangang rebolusyonaryo sa probinsya.
Napatunayan ng Hukumang Bayan ang tuwirang pananagutan niya sa pagpaslang kina Nicasio Ebio at Hermienigildo “Mindo” Domdom, mga aktibistang magsasaka, sa Bacon District, Sorsogon City at sa Prieto Diaz noong 2019.
Sangkot din si Esposado sa pananakot at panggigipit sa mga magsasakang nakikipaglaban para sa tunay na reporma sa lupa sa Hacienda Berenguer at Hacienda Peralta sa naturang syudad.
Ang pagpapataw ng parusang kamatayan kay Esposado ay isa pang tagumpay sa patuloy na pagsisikap ng rebolusyonaryong kilusan na kamtin ang hustisya para sa mga biktima ng mga traydor sa interes ng masang Sorsoganon.
____
UPDATED: October 15, 2023 | 1:23PM
Idinagdag ang buong pangalan ng biktimang si Hermienigildo “Mindo” Domdom at ang lugar na Prieto Diaz.https://philippinerevolution.nu/statements/traydor-sa-rebolusyon-pinarusahan-ng-kamatayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.